"HEP! saan mo balak pumunta?" napabalik ako sa kinatatayuan ko kanina dahil hinila ako pabalik ni Leon.
"Pupuntahan ko si Steve! hindi niyo ba narinig? sumigaw siya kasama si Almira!"
Tatakbo na sana ako papunta sa liwanag pero napabalik uli ako dahil hinila na naman nila ako and this time silang tatlo na ang humila sa'kin.
"AW!" daing ni Iron ng bigla nalang siyang binitawan ni Themoty para hilain ako.
"Ano ka ba Miss Audrey! wag ka ngang basta-basta nalang pumunta roon ng hindi nag-iisip. Nakooo kung mapahamak ka patay ako kay Rhomyssa!" napatigil ako. Sabi ko nga mag-iisip muna ako bago pumunta roon, tsk!
"Hoy! gumising ka nga riyan!" sabay kaming napalingon nina Leon at Zandrix kay Themoty na pinatid-patid si Iron na nakasalampak sa lupa.
"Mukhang napuruhan ang baliw na 'yan kanina, ano ba kasing pumasok sa utak niyan at bigla-bigla nalang tumakbo papunta sa pintuan ng hindi nag-iisip" komento ni Zandrix.
"Dahil baka ang akala niya damo lang talaga 'yong pintuan kanina" komento ko rin.
"Pina-iral niya lang talaga ang katangahan niya" komento ni Leon.
"Iron si Leizin may iba ng lalaki" bulong ni Themoty sa tainga ni Iron. I don't know what happen pero bigla nalang tumayo si Iron tiyaka umiiyak na hinahanap si Leizin.. eh?
*PAK!*
Sinapak ni Themoty si Iron kaya napatigil ito sa kakaiyak niya. Nako! malala pala ang lalaking 'to pag nababangga.
"Si Leizin bro! iniwan na niya ako! huhuhu" mahal na niya si Leizin? Nice! Nice! Nice!
*PAK!*
This time sinampal na ni Themoty si Iron kaya mukhang natauhan si Iron sa kanyang pinaggagawa.
"Gago! hindi ka ba titigil o ipapakain kita sa pating?" sinamaan ng tingin ni Themoty si Iron kaya parang nahiya naman ito.
"Sorry na Kamote, ano ba kasing nangyari? hindi ko maalala eh" sabay kamot nito sa ulo niya.
"Nak nang!"
"Hep! hep!" sabay kaming tatlo nina Leon at Zandrix na hinila si Themoty. May balak pa ata kasi ang dalawang 'to na magpatayan.
"Tumigil nga kayo! subrang ingay niyo nang dalawa! pag tayo matunugan ng mga kalaban natin, kakainin ko kayo ng buhay!" mahina pero madiin na singhal ni Zandrix sa dalawa.
"Ayan kasi!" angil ni Themoty kay Iron habang dinuro ang noo nito.
"Aw!" daing ni Iron, ngayon ko lang napansin na ang laki pala ng bukol ni Iron dahil sa pagkakauntog niya kanina.
"AHH! TAMA NAAAA!" muli kaming napalingon sa kinaruruonan nina Almira. Hindi na talaga maganda ang kutob ko nito.
"Kailangan na nating makapasok sa mismong base nila baka hindi lang sina Steve at Almira ang hostage nila" mahina kong sambit. Sabay-sabay naman silang napatango-tango.
Naglalakad kami papunta sa pinakadulo ng makita naming may ibang daan papunta sa kanan, kaya naghiwalay-hiwalay kaming lima. Si Themoty at Leon ay kasama ko samantalang si Iron at Zandrix ay magkasamang dumaan sa kaliwa habang kaming tatlo tinuwid namin ang nilakad namin kanina.
"Damn!" sabay naming mura'ng tatlo sa nakita namin.
Ang daming mga armadong lalaki sa loob, parang hugis kawali ang base nila at kung hindi ako nagkakamali, nandito sila sa gitna ng bundok Alto. Kumbaga nasa ilalim ng lupa ang kanilang base, kaya pala sa secret passage kami pinadaan ni Blake. Nasa ibabaw kasi kami habang para kaming pusa na nanunuod sa kanila sa baba.
BINABASA MO ANG
Audrey (Completed)
Roman d'amourNa assign si Steven Smith Austin at nang team niya sa isang misyon. Ito ay ang alamin kung isa nga bang illegal recruitment ang AL Online Company. Ang AL Online Company ay isang kompanyang tumatanggap ng online na serbisyo kagaya nang pagpapalago n...