LEONARD
Nakita ko si Audrey sa baybaying dagat, kaya dinaluhan ko ito. Ramdam ko ang pamamanglaw na rumehistro sa mukha niya. Ni hindi nga niya ako tiningnan nung lumapit ako sa kanya, nakatanaw lang ito sa papalubog na araw habang hinahayaan niyang liparin ng hangin ang buhok niya.
"Aud, you need to take your medicine" bitbit ko ang gamot para sa mga pasa niya upang tuluyan itong maghihilom.
"I don't need that" lamig niyang sagot sa'kin. I sigh, kung nandito palang si boss hindi siguro ito magkakaganito.
"You need to be brave Aud, alam kong gagaling ka, mag-iimbento ako para mawala ang piklat mo"
"Hindi ko 'yan kailangan, kailangan kong mapatay siya!" madiin niyang salita.
"P-pero.." napatigil ako sa pagsasalita ng lumingon siya sa'kin, wala akong makitang kahit anong emosyon ng mukha niya, subrang lamig na niyang tingnan, iba na siya sa Audrey nakilala ko noon, iba na ang Audrey ni boss Steven.
"Ihanda mo ang Bugatti Divo ko, may gagawin ako mamaya" sabay tayo niya.
"Wait! anong gagawin mo?" lumingon uli siya sa'kin.
"Papatayin ko na siya" kinabahan ako bigla, kahit lalaki ako mas takot pa ata ako sa babaeng 'to kesa kay boss.
"Sasama kami!" nakita ko ang tatlo papunta sa gawi namin.
"Walang sasama" malamig parin niyang pakikitungo.
"Hindi ka maaaring kumilos na wala kami Miss Audrey! alam mong magagalit siya pag malaman niya ang pinaggagawa mo" nakita kong tiningnan siya ng masama ni Audrey or should I say Loisa.
"Hanapin mo ang paki ko!" bigla kaming napaatras ng tinaasan niya ng boses si Themoty.
"Miss Aud" sasagot pa sana si Iron ng tiningnan siya uli ng masama ni Audrey.
"Walang susunod sa'kin kung wala akong go signal" bigla kaming nabalisa sa sinabi niya.
"Audrey! Miss Audrey!" sabay naming sambit.
"Alam niyo na ang dapat niyong gagawin kung hindi ako makakabalik in just 1 hour dito"
"Hindi 'yan pwedi Audrey! papa'no pag may mangyari na naman sa'yo ng masama!? anong gamit namin kung maiwan kami rito!?" balisa kong tanong sa kanya. Fuck! ito na ba ang ganti niya?
"Boss gumising ka na kasi! alam kong nagkakaganito siya dahil sayo!" sambit ko sa aking isipan.
"Buo na ang desisyon ko, tiyaka lang kayo susunod sa'kin kung hindi ako makakabalik rito" fuck! ang tigas ng ulo nang babaeng 'to!
"Pero Aud.." magsasalita pa sana ako pero hindi na niya ako pinakinggan pa.
Naglakad na ito pabalik sa ginawa naming pansamantalang tirahan, ang Audrey beach na kung saan may sariling hospital, daungan ng barko, airport at kabahayan na ginawang pansamantalang tirahan ng more than 200 women na nakaligtas sa isla.
"Ano na? tutunganga nalang tayo rito? hahayaan nalang natin siya?" tiningnan ko ng masama si Themoty.
"Syempre hindi! susundan natin siya para makasiguro tayong walang mangyayaring masama sa kaniya" sambit mula kay Iron, binatukan ito ni Themoty.
"Gago! edi mas lalong magagalit 'yon sa'tin, ang kailangan lang nating gawin ay manalig sa kanya. May kakailangan pa tayong tatapusin dahil hanggang ngayon hindi parin nagparamdam ang computer warrior ko"
BINABASA MO ANG
Audrey (Completed)
RomanceNa assign si Steven Smith Austin at nang team niya sa isang misyon. Ito ay ang alamin kung isa nga bang illegal recruitment ang AL Online Company. Ang AL Online Company ay isang kompanyang tumatanggap ng online na serbisyo kagaya nang pagpapalago n...