Chapter 25

1K 46 0
                                    

"STEVE! STEVE GUMISING KA! W-WAG NAMAN G-GANITO OUH, STEVE!!" niyogyog ko siya, pero nakapikit parin ang kanyang mga mata, gusto kong umiyak dahil sa kapabayaan ko.

Si Steve ang sumalo sa bala na para sana sa'kin. Pagkabaril ni Steve, bumulagta rin si Charles, at doon ko nakita sa likod nito si Themoty.

Binaril ni Themoty si Charles sa likod. Binalingan ko ng tingin si Charles na mukhang babarilin ulit si Steve pero kinuha ko kaagad ang baril na nasa kamay ni Steve saka tinutok kay Charles.

"WALANG HIYA KA!!" sigaw ko at..

*BANG!* *BANG!*

"Woah" rinig ko mula kay Themoty pero hindi ko na siya pinagtuonan ng pansin.

Niyakap ako ni Steve kanina nung pinaputok na ni Charles ang baril niya kaya si Steve ang sumalo sa bala at natamaan ito sa likod niya. 

"S-Steve, S-Steve gumising ka please" sambit ko habang tinatapik ang kanyang pisngi.

"STEVE! Steve please wag namang ganito oh, Mahal na mahal kita. Please gumising ka! bakit mo ba sinalo 'yong bala!.. Sana ako nalang 'yong natamaan" tumulo na ang luha ko.

"Ahm Miss Audrey" tinaas ko ang aking ulo, at nakita ko si Themoty, nakalimutan kong nandito pala ito.

"Hindi pa po patay si boss" tiningnan ko siyang may halong pagtataka.

"H-huh?" saka tiningnan uli si Steve, at dalidaling tiningnan ang likod niya. Wala nga akong nakitang sugat, eh diba siya ang tinamaan kanina nung pinaputok ang baril ni Charles?

"Paanong..?" nakita kong mukhang nag pipigil siya ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ahem! nawalan lang po 'yan ng malay dahil sa impact nung bala ng baril, may suot pong bulletproof Vest" dahil sa inis ko, nasuntok ko si Steve sa braso kahit wala na itong malay.

"Bakit hindi mo sinabi kaagad!? nagmukha tuloy akong tanga!" napatawa siya ng mahina.

"Eh kasi nag eemote ka na eh, at tyaka mahal mo na pala si boss ayeeeh" tangina!? may gana pa siyang manukso niyan?

"Shut up! wag mong sabihin sa kanya ang nasabi ko kanina or else malalagot ka sa'kin?" dalidali naman siyang tumango.

"Ahmm ano nga palang gagawin natin sa bakay niya?" sabay nguso kay Charles na wala ng buhay habang naliligo sa sarili niyang dugo.

"Kailangan nating ilibing 'yan, walang dapat makakaalam maliban sa'tin na pinatay ko siya" tumayo na ako, pinahiga ko nalang si Steve sa sahig.

"We need to leave this place as soon as possible dahil alam kong bukas na bukas mababalitaan na ito ng head nang islang ito and we need to bury his body sa likod ng bahay. Teka paano niyo ba nalamang nandito ako? kayo lang ba ni Steve ang magkasama?" umiling si Themoty, so it means may iba pa silang kasama?

"Sino pang mga kasama ninyo?"

"The Demented Team" the demented team? wait! mga baliw na grupo?

"I don't get it" napatawa siya.

"Our group called demented team because most of us are demented" ibig sabihin 'yong mga barkada ni Steve ay nandito rin?

"Y-yong barkada niyo?" tumango siya.

"Exactly Miss Audrey" what the!?

"But how did you know na nandito ako? wag mong sabihin na naging totoo ang napanaginipan ko kanina lang"

Audrey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon