AUDREY
"Sige na Steve" hindi parin ako pinansin ng loko.
"Mithmith naman oh, payag ka na oh" hindi niya parin ako nilingon.
"STEVEN SMITH AUSTIN!"
"What!?" aba abaa! siya pa ang may ganang magalit niyan?
"Pumayag ka na kasiiiii" inirapan niya ako. Aba't? kilalaking tao tapos nang-iirap? dukutin ko kaya ang mata niya?
"Ayaaaaw!" busungot na umupo ako sa sofa.
"Pag ako nakunan, puputulin ko talaga 'yang alaga mo!" nanlaki ang mga mata niyang napalingon sa'kin, nag-iba narin ang ekspresyon ng mukha niya.
"W-what did you say honey?" inirapan ko siya saka tumayo.
"Saan ka pupunta?" tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko.
"May kukunin lang! hmmp!" padabog na pumunta ako sa tapat ng tv at padabog na bumalik.
"Oh!" padabog ko ring bigay sa kanya ng PT ko.
Halos umabot pa ata ng treinta minuto bago siya makapagreact. Mali pala dahil bigla nalang siyang bumulagta sa sahig, the heck!?
"Steve! woy! STEVEEEEE!" sigaw ko sa tainga niya pero ayaw parin niyang gumising.
"Ano nang gagawin ko sa lalaking 'to!?"
~Kriiiiing~Kriiiiiing~
Si mommy tumawag.
"Hello mom?"
"Baby anak, papunta na kami diyan" patay!
"Anak? are you still there? may problema ba?"
"Ah hehe wala po mom, sige po maghihintay ako rito sa inyo. Ingat po kayo mommy, I love you"
"I love you too anak, ibababa ko na 'to ha?"
"Sige po mom" at pinatay niya ang tawag.
Nandito kasi ako sa hotel na pagmamay-ari ng mommy ko, papunta na sila rito dahil kasal na namin ni Steve mamaya. At itong lokong 'to, pumunta sa kuwarto ko para makikain, langya talaga!
Hindi niya alam na buntis ako, actually bukas ko pa sana sasabihin sa kanya pero hindi na ako nakapagpigil pa dahil ayaw niya akong pagbigyan sa gusto ko!
"STEVE PAPUNTA NA SINA MOMMY DITO! BUMANGON KA NA DIYAN!" nakasalampak parin siya sa sahig, pinagtatadyakan ko na siya sa tiyan pero ayaw niya parin magising.
"Ayaw mong gumising ha?"
Iniwan ko siya sa sala at naglakad papunta sa kusina. Kumuha ng isang pitchel ng ice water at walang sabi-sabing binuhos ko sa mukha niya.
"HOLY FUCK!"
"Pffffft!" pigil ko ng tawa dahil para siyang basang sisiw.
"AUDREY!" pinandilitan niya ako ng mata at aba hindi rin ako nagpatalo noh? anong akala niya sa'kin?
"Ayaw mong magising eh! tumawag si mommy kanina at papunta na sila rito! alam mo namang bawal tayong magkita diba? ang tigas kasi ng ulo mo!" lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.
"I'm sorry honey, I can't help it. Isang Linggo tayong hindi nagkita. I miss you very much" lumambot narin ang ekspresyon ng mukha ko.
"Me too naman eh pero alam mo namang magagalit si mommy pag malaman niyang pinuntahan mo ako rito" niyakap niya ako, at niyakap ko rin siya pabalik.
BINABASA MO ANG
Audrey (Completed)
RomanceNa assign si Steven Smith Austin at nang team niya sa isang misyon. Ito ay ang alamin kung isa nga bang illegal recruitment ang AL Online Company. Ang AL Online Company ay isang kompanyang tumatanggap ng online na serbisyo kagaya nang pagpapalago n...