"Nag-uusap pa kami ni Blake, can't you see?" sagot ko sa bagong dumating. Huminto ito ilang dangkal nalang ang layo mula sa'min ni Blake.
"Let's talk" this time malumanay na ang kanyang boses.
"Mamaya na, mag-uusap pa kami ni Blake" mahina kong sagot kaya bumalik ang ekspresyon niya kanina.
"AUDREY!" tangina! tinaasan na ako ng boses!
"Aray!" daing ko ng hinila niya ako pataas at walang sabi-sabing kinarga ako na parang isang sakong bigas.
"Teka pre, dahan-dahanin mo naman, kita mong nag-uusap pa kaming dalawa" nilingon niya ito kaya 'yong ulo ko sumunod rin sa likod niya.
Damn this man! ayaw ko pa siyang maka-usap! hindi ko pa nakakalimutan ang araw at gabing iyon!
"I don't need your opinion so FUCK OFF!" shit! ngayon ko lang uli marinig ang galit niyang boses, pero bakit parang natuturn on ako?
"Damn! flower wag ka munang mabubuhay, hindi pa kami bati ng iyong tatay" sambit ko sa aking isipan.
Muli itong naglakad hanggang sa makarating kami sa parking lot, akala ko ibababa na niya ako pero hindi pala dahil…
"ANO BA STEVE! ANONG AKALA MO SA'KIN, BABOY!?" tangina! isinakay niya ako sa motor niya at tinali ako na parang kumarga ng isang baboy.
Naramdaman ko na pinaandar niya ang motor kaya hindi na ako nakapagpigil pa, kumilos ako ng kumilos. Wala akong pakialam kong matumba kami, fuck! subrang sakit na ng katawan ko dahil sa pagkakatali niya sa'kin at subrang higpit pa! isa nalang! isa nalang talaga at susunugin ko siyang buhay!
"STEVE ANO BA!? PAKAWALAN MO NGA AKO!!" pilit parin akong kumilos at pinapadyak na ang mga paa pero wala atang epekto dahil hindi naman lumuluwag ang pagkakatali niya sa'kin.
"Hindi kita pakakawalan hanggang sa hindi mo ako kakausapin!"
Tangina! natataranta na ako dahil pinaharurot niya ng kay bilis ang kanyang motor. Halos makain ko narin ang sarili kong buhok na humaharang sa mukha ko dahil sa subrang bilis ng kanyang pagmamaneho.
"SUBUKAN MONG KUMILOS DIYAN AUDREY, HINDI NA TALAGA KITA PAKAKAWALAN DIYAN!" sigaw niya, tangina! ano bang problema ng isang 'to!?
Hindi nalang ako kumilos pa dahil baka mas lalong magalit ang isang 'to, naramdaman ko na tumigil ang kanyang motor at ilang saglit pa ay kinuha na niya ang pagkakatali sa'kin. Halos hindi ako makatayo ng maayos dahil para akong nahihilo. Napatingin ako sa braso ko, saka tumingin sa kanya.
"TINGNAN MO ANG GINAWA MO!" sabay turo sa braso kong namumula, nakita kong lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.
"I'm sorry honey" hahawakan na sana niya ako pero umatras ako at pagalit na tinabig ang kanyang kamay.
"DON'T YOU DARE TO CALL ME HONEY! HINDI MO 'KO JOWA KAYA WAG MO KONG TATAWAGING HONEY!!" sabay tingin sa kanya ng masama.
"Magiging jowa naman kita!"
"Sinong may sabing ikaw ang gusto kong maging jowa ha!?"
"Bakit? sino bang gusto mong maging boyfriend? ang lalaking 'yon? siya ba ang gusto mo, kaya hanggang ngayon hindi mo parin ako sinasagot!?" gusto ko siyang patayin ngayon, nandidilim ang paningin ko sa kanya!
"Kung makaasta ka ay PARANG WALANG NANGYARI!" singhal ko uli sa kanya.
"Yan kasi sana ang gusto kong pag-uusapan natin tapos ano? anong ginawa mo? tinakasan mo ako! ilang beses na akong nagtangkang gusto kang kausapin after that night pero anong ginawa mo? UMALIS KA! UMALIS KA NG BANSA NA HINDI MAN LANG NAPAPAALAM SA'KIN!" pabalik niyang singhal sa'kin kaya mas lalong pumutok ang galit ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Audrey (Completed)
RomanceNa assign si Steven Smith Austin at nang team niya sa isang misyon. Ito ay ang alamin kung isa nga bang illegal recruitment ang AL Online Company. Ang AL Online Company ay isang kompanyang tumatanggap ng online na serbisyo kagaya nang pagpapalago n...