Hinagis ko ang kutsilyong hawak ko at tumarak ito mismo sa sentro ng noo ni Zien kaya patay ito nang matumba. Nakita kong napahawak sa dibdib si Themoty dahil sa ginawa ko.
"Wew! akala ko pati ako mamamatay din eh" pero hindi ko na siya pinansin dahil binalingan ko kaagad ng tingin si Steve.
"Steve gumising ka! please gumising ka!" pinagtatapik ko ang pisngi niya pero umubo ito ng dugo habang pilit na ngumiti pero hindi na nito iminulat ang kanyang mga mata.
"I-I l-love y-you m-my A-Audrey" huminga ito ng malalim.
"Shhh wag ka ng magsalita pa, hindi ka mamamatay! hindi ka mamamatay!"
Pinigilan kong tumulo ang luha ko pero… pero bigla nalang itong tumulo nang hinawakan ni Steve ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya. Ito 'yong nangyari noon ng mabaril ako eh! ito 'yon eh!
"M-mahal k-kita Loisa.." dito na ako napahagulhol dahil unti-unti nang nabitawan niya ang kamay ko.
"No! no! no! S-Steve! S-Steve gumising ka, wag kang magbiro ng ganito! Steve!" humikbi na ako, parang mamamatay na ata ako sa sakit nang naramdaman ko.
"STEEEEVE!" naramdaman kong may humawak sa'kin mula sa likod at tinayo ako, magpupumiglas pa sana ako pero bigla akong napatigil sa narinig ko mula kay Zandrix.
"KAILANGAN NA NATING UMALIS DITO! DAHIL DALAWANG ORAS NALANG ANG NATITIRA BAGO SUMABOG ANG BOMBA SA LUGAR NA 'TO!" bomba?
"Hindi mangyayari ang sinasabi mo Yssesa, uuwi pa tayo. Uuwi pa tayo sa tunay nating tahanan, aalis pa tayo sa islang ito" kumawala siya sa yakap ko at bumalik ito sa upuan niya.
"Iyan nga ang kinalulungkot ko Aud" kumunot ang noo ko.
"Why?"
"D-dahil?"
"D-dahil kailangan kong maiwan sa islang ito" what the!?
"Bakit?" tahimik lang siya habang ako hindi na mapakali.
"Dahil pag-aalis ako rito, sasabog ang islang ito Aud. Sasabog ang isla nang hindi pa kayo makakaalis sa lugar na ito" mas lalong kumunot ang noo ko, what does she mean?
"Bakit? What do you mean Yssesa?"
"D-dahil ako ang may dala… Ako ang may dala nang buhay sa islang ito Aud" at muling tumulo ang luha niya.
"A-anong pinagsasabi mo Ysses? hindi kita maintindihan" bumuntong hininga ito.
"Naalala mo ba noon? nung nawala ako nang tatlong araw?" naalala ko 'yon. 'Yon 'yong panahon na sinabi nila na nagkasakit siya.
"Yong nagkasakit ka?"
"Hindi totoong nagkasakit ako Aud, dahil ang totoo niyan inoperahan ako sa tyan at doon nila nilagay ang bomba" parang nawala bigla ang lakas ko sa narinig ko.
"dahil ang totoo niyan inoperahan ako sa tyan at doon nila nilagay ang bomba"
"dahil ang totoo niyan inoperahan ako sa tyan at doon nila nilagay ang bomba"
"Si Yssesa!" pinahiran ko ang luha ko. Kailangan naming lahat na makaalis sa lugar na ito bago may isang bomba na sasabog.
"Kailangan nating makaalis sa islang ito bago sumabog ang isang bomba! dahil pag may sumabog na isa, sasabog ang lahat ng bomba na nakalagay sa tiyan ng ibang babae rito sa isla, sasabog si Yssesa!" gulat ang mga mukha nila sa sinabi ko.
"Ano pang hinintay natin!? umalis na tayo, naghihintay na ang helicopter na nakuha namin kanina, andon na sina Leon at Almira" tumango ako at bumalik sa pagluhod habang hinawakan ang kamay ni Steve. Ramdam ko pa na lumalaban siya, hindi siya mamamatay! hindi maaari!.
![](https://img.wattpad.com/cover/224856534-288-k586993.jpg)
BINABASA MO ANG
Audrey (Completed)
RomanceNa assign si Steven Smith Austin at nang team niya sa isang misyon. Ito ay ang alamin kung isa nga bang illegal recruitment ang AL Online Company. Ang AL Online Company ay isang kompanyang tumatanggap ng online na serbisyo kagaya nang pagpapalago n...