Chapter 26

1K 43 2
                                    

"Bakit mo nalaman ang mga ito Aud?, paano mo nalaman?" tanong ni Steve.

Alam kong nagtataka na sila kung bakit ko alam ang lahat ng 'to. Ngumiti muna ako sa kanya bago ko siya sinagot.

"Dahil narinig ko ang pinag-usapan nina boss Ronald at Blake nung hindi kaagad ako nakasunod nina Yssesa sa table natin"

"Paglabas namin sa CR, may narinig akong nag-uusap malapit sa lobby, at dahil malakas ang sense of hearing ko, napagtanto kong ang mag-ama ito kaya nagpaiwan ako nina Yssesa at pina-una sila sa table natin"

Flashback

"Tara na? baka nababagot na 'yong mga kasama natin baka papahirapan pa tayo mama" aya ko sa kanilang tatlo.

"Ay bet ko 'yan hahaha" sagot ni Yssesa kaya tiningnan namin siya ng masama.

"TUMAHIMIK KA NGA YSSESA!" sabay sambit naming tatlo.

"Okay! okay! ito naman ang hihighblood eh, tayo na nga" kaya naman lumabas na kami ng cr.

Nang makalabas kami sa CR narinig kong may nag-uusap sa lobby kaya napatingin kaagad ako sa gawi nito.

"Wag ka nang makinig sa kanila Aud, wag mong ipahamak ang sarili mo" napatingin ako kay Yssesa.

"Paano mo nalamang nakikinig ako sa kanila?"

"Dahil halata sa kinikilos mo Aud, alam mo na ang patakaran nila rito kaya wag ka nang makialam pa" at dahil nasa likuran kami nina Lynch at Leizin, hindi nila naririnig ang bulungan naming dalawa ni Yssesa.

"Nandito na ba ang lima?" rinig ko mula sa lobby.

"Oo dad nandito na, anong susunod kong gagawin?"

"Wag mo silang lubayan nang tingin, kailangan nilang mainom ang tableta na pinalagay ko sa wine para sa kanila"

"Copy dad" napalingon si Blake sa gawi namin kaya napabawi kaagad ako ng tingin.

Alam kong sina Blake iyom dahil kahit medyo madilim, kabisado ko parin ang kanyang pisikal na anyo, sa tagal ba naman naming mag jowa noon kahit na sa mura kong edad.

At hindi ko inasahang anak pala siya sa mortal kong kaaway, anak pala siya nung matandang demonyo! kaya pala nung una ko palang nasilayan ang pagmumukha ni Ronald may kahawig na ito at dahil hindi ko alam o nakilala man lang ang ama ni Blake noon, hindi ko rin nalaman na ang demonyong ito pala ang kanyang ama.

"Yssesa mauna na kayo sa table natin, susunod kaagad ako" hindi pa sana siya papayag pero nagpumilit ako.

"Ahm guys mauna na kayo doon, may gagawin lang ako saglit" tiningnan nila akong may pagtataka pero hindi pinapahalata ni Yssesa ang balak kong gawin.

"Anong gagawin mo? pwedi ka naman naming samahan"

"Wag na, sandali lang naman ako. Sige na mauna na kayo" wala silang nagawa kundi ay umalis kaya naman nagsimula akong maglakad papunta sa verandah ng hotel. Naisipan kong dito pupunta dahil alam kong sinusundan ako ng anak ni boss.

End of Flashback

"At nung pagsunod ni Blake sa'kin sa Verandah?, bigla ding nawala ang demonyong matanda. Kaya ko pinasok ang bahay ni Charles dahil sa kasamaang palad nainom nina Zandrix, Themoty at Iron ang tabletang sinasabi ni Ronald. Kailangan kong malaman kung para saan ang tabletang sinasabi nila, kung bakit nila ito kailangan gawin. At first ang pakay ko lang talaga sa doctor na 'yon ay hingiin ang mabisang gamot para sa kapatid ko but sad to say nanlaban siya" huminga muna ako nang malalim bago nagsalita muli.

Audrey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon