YSSESA
This is my first time to have a POV pero hindi na ako magpapakilala pa dahil mas importante si Audrey ngayon.
"AUDREEEEY!" gusto kong bumalik sa nilangoyan ko kanina para balikan si Audrey pero may biglang pumigil sa'kin.
"AUDREEEEY! AUDREEEY!" tumulo na ang luha ko dahil sa kaba, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya!
"WAG NIYO 'KONG HATAKIN! PUPUNTAHAN KO PA SI AUDREY! ANO BA!?" sigaw ko habang humihikbi na.
"Ysses, Ysses please wag matigas ang ulo. Sina Zandrix na ang maghahanap kay Audrey" hindi ko namalayan na naisakay na pala nila ako sa barko.
"H-Hindi! k-kailangan 'kong i-iligtas si Audrey! kailangan niya ak-ako huhuhu" naramdaman ko na may yumakap sa'kin.
"Tahan na, Zandrix and Themoty will find Audrey. Mahahanap nila si Audrey Ysses, mahanap nila si Audrey" tiningnan ko siya.
"T-talaga L-Leon? m-mahahanap n-nila si Audrey? maliligtas siya diba? h-hindi siya k-kasama s-sa sumabog kanina diba?" nakita ko siyang tumango at niyakap ako muli.
Nakita ko sa likod ni Leon ang ibang babaeng kasama ko kanina na lumangoy, nakita ko sa mga mata nila ang saya, siguro dahil makakauwi na sila sa kani-kanilang pamilya. May nag-alala kay Audrey kasi pilit parin nilang tinatawag si Audrey. May nag-iiyakan, siguro dahil sa kaba kanina nung sumabog ang buong isla.
"S-sana hindi n-na ako pumayag pa n-na maunang lumangoy Leon, e-edi sana sabay kaming m-maisakay d-dito huhuhu" naramdaman ko na hinahaplos niya ang buhok ko.
"Shhhh Audrey will be fine okay? alam nating lahat na matapang ang babaeng 'yon kahit minsan matigas ang ulo nun. Hindi kami papayag na may mangyaring masama sa kanya Yssesa, hindi pa tapos ang laban" kumuwala ako sa yakap niya at tiningnan siyang nagtataka.
"A-anong ibig mong sabihin Leon? n-nakalabas na tayo sa isla diba?" bumuntong hininga siya tiyaka pinahiran ang luha ko and he kiss my forehead.
"May kalaban pa tayo sa labas ng isla Yssesa, hanggat hindi siya mapatumba, hindi matatahimik ang mga kasamahan niyong babae lalong-lalo na kay Audrey"
"Hindi ko maintindihan Leon"
"Hindi mo na dapat pang intindihin sa ngayon Ysses" magsasalita pa sana ako pero may biglang tumatakbo sa gawi namin at niyakap ako ng mahigpit.
"H-hindi na ako m-maka hinga!" kaagad naman nila akong binitawan.
"Sorry! sorry!" sina Rhomyssa, Lynch at Leizin ang tumakbo sa gawi namin kanina pero napalinga-linga sila sa kinatatayuan namin na parang may hinahanap.
"Asan si Audrey?" tanong ni Leizin, hindi kaagad ako nakasagot dahil tumulo na naman ang luha ko.
"Sagutin mo ako Yssesa! asan si Audrey!? bakit wala siya rito!? YSSESA!" mas lalo akong umiyak sa sunod-sunod niyang tanong sa'kin.
"Narinig namin ang pag sabog kanina.." hindi natapos ang sasabihin na sana ni Rhom ng tumingin ito sa isla, bigla itong napaatras sa nakita niya na halos hindi na makilala ang isla dahil sa pagsabog nito.
Akala ko isang simpleng bomba lang ang sasabog pero hindi ko inakala na ang buong isla pala ang sasabog. Kaya pala pinauna niya kaming lumangoy kanina dahil sinigurado niyang hindi kami maabutan ng pagsabog habang lumalangoy. S-she s-sacrifice herself p-para sa k-kaligtasan namin.
"Hindi! sabihin mo sa'kin Yssesa na hindi naabutan ng pagsabog si Audrey, SABIHIN MO!" napatingin ako kay Rhom na ngayon ay kagaya ko na, umiiyak at humihikbi rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/224856534-288-k586993.jpg)
BINABASA MO ANG
Audrey (Completed)
RomanceNa assign si Steven Smith Austin at nang team niya sa isang misyon. Ito ay ang alamin kung isa nga bang illegal recruitment ang AL Online Company. Ang AL Online Company ay isang kompanyang tumatanggap ng online na serbisyo kagaya nang pagpapalago n...