Dinampot ko ulit ang wallet pero ibinalik ko naman kaagad ito kung saan ko ito dinampot kanina. I'm to confuse kung bakit kamukha ko ang larawang nasa wallet ni Steve, alam ko namang hindi ako 'yon eh dahil iba ang kulay ng buhok nung babae. Sino kaya siya?
Napahawak ako sa bandang dibdib ko, subrang bilis nang tibok ng puso ko. Sa larawan, isang babaeng kamukha ko ang nandoon na may hawak na bulaklak.
"F-Fiona w-wag m-mo k-kong i-iwan p-please"
Biglang bumalik sa isipan ko 'yong sinambit na pangalan ni Steve nung gabing nakatulog siya sa sasakyan ko. Fiona, ito kaya ang babaeng 'yon? p-pero bakit kami magkamukha?
"Anak" tawag ng isang boses. Napalingon-lingon ako kung saan ito nanggaling.
"Anak-anak-anak-anak-anak" echo ng isang tinig lalaki.
Napatakbo ako habang sinusundan ang boses na patuloy akong tinatawag na anak. Patuloy akong tumatakbo sa madilim na lugar na aking kinaroroonan ngayon.
"Anak" muli nitong tawag sa'kin.
Huminto ako sa pagtakbo ng may naaninag akong liwanag sa malayo.
"Anak-anak-anak-anak" muling tawag nito sa'kin.
Muli akong tumakbo papunta sa liwanag. Pagdating ko doon bigla nalang akong napapikit muli dahil parang hindi kakayanin ng mata ko ang liwanag na nasa harapan ko ngayon.
Pero patuloy parin ang pagtawag ng isang boses na umi-eko sa madilim na lugar na ito.
"Anak" sa pagkakataong ito, parang nandito na sa tabi ko ang tumatawag sa'kin nang anak.
"Dad?" muli kong iminulat ang aking mga mata pero napakit akong muli dahil sa liwanag na nakakasilaw.
"Hanapin mo ang kapatid mo"
"Kapatid?"
"Hanapin mo ang kapatid mo, Hanapin mo ang kapatid mo,
Hanapin mo ang kapatid mo" paulit-ulit nitong sambit hanggang sa papalayo ng papalayo ang boses nito."Hanapin mo siya-siya-siya-siya" eko ng boses nito.
"Sinong kapatid ang hahanapin ko dad? may iba pa ba akong kapatid? daddy sumagot ka!" iminulat ko ang aking mata and this time wala na ang nakakasilaw na liwanag, madilim nalang ang nakikita ko.
Napalingon-lingon ako, nagbabakasakaling magsasalita siya ulit, pero wala na, wala na akong narinig pa mula sa kanya.
Pumatak ang luha ko mula sa aking mga mata, anong ibig niyang sabihin?
"DADDY SINONG KAPATID ANG HAHANAPIN KO? DAAAD!"
Parang nanghihina ang tuhod ko nang bigla pumasok sa isip ko ang napanaginipan ko roon sa hospital. P-posible kayang ito ang tinutukoy ni daddy sa panaginip ko? na may iba pa akong kapatid na dapat kong hanapin?
"I need to find it out" bulong ko.
"Audrey? AUDREY!" napakurap-kurap ako at tiningnan ang taong nasa harap ko ngayon, si Steve.
"Are you okay?"
"H-ha?" lutang kong tanong sa kanya.
Shit! hindi ko man lang namalayang pumasok pala siya sa silid naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Audrey (Completed)
RomanceNa assign si Steven Smith Austin at nang team niya sa isang misyon. Ito ay ang alamin kung isa nga bang illegal recruitment ang AL Online Company. Ang AL Online Company ay isang kompanyang tumatanggap ng online na serbisyo kagaya nang pagpapalago n...