Chapter 30

1K 48 2
                                    

STEVEN

Para akong baliw habang hinihintay na ma trace ni Athena kung nasan na sina Audrey at Rhom, nakita ko rin si Themoty na hindi rin mapakali. Ngayon ko lang nakita si Themoty nang ganito, hindi rin siya kinukulit ni Iron dahil ang mukha ni Themoty parang papatay ng tao.

"Fuck! pag may mangyaring masama kay Rhom, papatayin ko talaga silang lahat! Putangina!"

"Easy man, mahahanap din natin sila" pakalma ni Iron sa kanya, habang ako para nang mabibiyak ang ulo dahil sa sakit kakaisip kung ano nang nangyari kay Audrey.

"Athena matagal pa ba 'yan?" tawag ko sa kabilang linya, narinig ko ang pagtitipa sa keyboard kaya alam kong malapit nang ma trace ni Athena ang dalawa.

"Nahanap ko na Steve!" I felt relief because of what I heard from Athena.

"Open the Poop Cam, ipapakita ko sa inyo kung nasan sila ngayon" kaagad naman akong kumilos.

"Iron! where's the Poop Cam? Athena already trace where's Audrey and Rhom. Hurry!" kaagad namang kinuha ni Iron ang Poop Cam.

Nandito kami sa bahay, umuwi kaagad kami pagkatapos sabihin ni Leonard na nawawala si Audrey at doon din namin nalaman na pati si Rhom ay nawawala rin.

"Mahahanap na ba natin sila Steve?" nag-alalang tanong nung partner ni Leon.

"I hope so" dahil sa sagot ko bigla nalang 'tong umiyak, nataranta naman ako.

"Fuck! I'm sorry, but don't worry we will do our best to bring Audrey and Rhom, safe" lumapit 'yong partner ni Iron at Zandrix sa partner ni Leon, inalalayan ito paupo sa sofa.

"This is all my fault" rinig ko mula sa kanya.

"Kung sana sinamahan ko silang dalawa, baka… baka hindi ito mangyayari, b-baka.. baka hindi sila madukot! uwaaaaaaaah" iyak na naman niya.

Alam kong walang may ibang kasalanan kundi sa taong nasa likod ng pangyayaring ito. Kung sana sinamahan ko siya at hindi pinayagang siya lang ang pumunta ng parking lot, edi sana hindi ito mangyayari.

"Tahan na Yssesa, walang magagawa kung iiyak ka lang dyan. We need to pray for their safeties, alam mo namang palaban ang dalawang 'yon diba? k-kaya p-please w-wag ka nang umiyak, pinapaiyak mo rin ako eh!" sambit nung partner ni Iron.

Narinig kong nag-iiyakan na silang tatlo, mas lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa narinig kong iyak mula sa kanila pero hindi naman pweding sitahin baka mas lalo silang mag-alala kina Audrey.

"Boss, ito na" kaagad kong dinapuhan ng tingin si Leon habang tinuro nito ang Poop Cam na naging laptop na.

"Ang binigay na direksiyon ni Athena,  nasa red dot kung saan nandoon sina Audrey at Rhomyssa" tiningnan ko ang mapa na nasa screen.

May red dot sa bandang hilaga ng isla, nasa may timog kasi itong bahay.

"Nasa isang lumang bahay sina Audrey, Steve. Makakarating kayo roon in just 20 minutes kung gagamitin niyo ang pinakahuling speed ng sasakyan" rinig ko mula sa kabilang linya.

"Bilisan niyo Steve, baka may nangyari ng masama sa kanilang dalawa. Nakita ko ang CCTV footage nang parking lot at nakita ko roon na hinampas si Audrey at nung isa niyang kasama. If I'm not mistaken, they have injury right now lalo na't baka napuruhan sila sa hampas na 'yon" fuck! kung may mangyayaring masama kay Audrey, sisiguraduhin kong mamatay silang lahat!

"Na hack ko na ang lahat ng CCTV sa isla Steve at pinalitan ko narin ito ng iba't ibang larawan na alam kong hindi nila malalaman na hindi na pala ito ang totoong nangyayari sa isla kaya wala kayong ipag-alala. Kumilos na kayo, bago mahuli ang lahat" damn!

Audrey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon