Chapter 1

2.8K 80 0
                                    

AUDREY

~Kriiing~Kriiing~Kriiing~

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Pikit matang sinagot ko ito, hindi na ako nagabala pang tingnan kung sino 'yung tumawag.

"H-hello" paos kung sagot.

"Audrey anong oras na? pumunta kana dito sa Avail Lady, hinahanap kana ni boss" tinig ni Rhomyssa, matalik kong kaibigan.

"Anong oras na ba?"

"It's already 10 am! MY GAD Audrey!, paghindi kapa dumating dito ng 10:30 tayong dalawa ang malalagot. Ayaw pa naman ni boss na paghintayin ang mga customer niya, nakoooo nako!" halata sa boses nito ang naiinis.

"Okay okay, heto na nga oh babangon na" sagot ko at pilit na bumangon. Gusto ko pa sanang matulog, napagod kasi ako kagabi.

"Siguradihin mo lang na makakarating ka rito ng hindi pa mag-10:30, kundi lagot ka sakin bye!" baba nito ng phone. Napairap nalang ako sa kawalan.

Hindi ko gusto ang trabahong ito, pero wala akong choice kundi ang gustuhin nalang. Nung una nandidiri pa ako pero nasanay nalang rin ako sa trabahong ito, ito lang kasi ang tumutulong sakin sa pagpapagamot ko sa aking 15 years old na kapatid na babae at maka-ahon sa buhay.

Ako si Audrey Santiago, 25 years old at Stela naman ang pangalan ng kapatid ko, may sakit itong Leukemia  stage 4 na. Alam kong nawawalan na ng pag-asa ang kapatid ko na gagaling ito sa kanyang sakit pero ako kasi hindi eh, hanggat may buhay may pag-asa. Si Stela nalang ang natitira kong pamilya matapos mamatay ang aming mga magulang dahil sa isang ambush.

Inambush ang sasakyan nila habang bumibyahe ang mga ito pauwi na sana sa amin. Sabi ng mga pulis, ang motibo ng pagpaslang sa kanila ay dahil sa companyang hawak ni daddy na minana nito kay lolo. Masyadong malinis ang pagkakatrabaho kaya hanggang ngayon hindi parin matukoy kung sino ang likod sa pangyayaring iyon.

Maraming suspect na kaming pinaimbestigahan ngunit nahulog lang ito sa wala. Hindi ko alam na lubog na pala sa utang ang kompanya kaya kinuha rin ito ng bangko.

15 years old ako non ng mangyari iyon, at 5 years old palang ang nakababata kong kapatid. Naiwan kami sa tito at tita namin, nung una ang bait pa ng trato ng mga ito samin pero pagdaan ng isang taon bigla nalang ng iba ang timpla ng kanilang ugali. Palagi nalang nila kaming panapagalitan ng kapatid ko, ikukulong sa bodega at hindi papakainin ng tatlong araw. Hindi ko na matiis ang pang-aabuso nila samin ng kapatid ko kaya nagdesisyon kaming maglayas.

Umalis kami sa bahay nila nung time na umalis ang mga ito dahil may aasikasuhin raw ito sa kanilang negosyo. Hindi ko alam kong ano ang negosyo nila at wala rin akong pakialam.

Umalis kami ng kapatid ko na walang dalang pera. Naalala ko pa nung panahong naglayas kami, halos gusto ko ng mamatay non pero hindi ko magawa kasi mayroon akong kapatid na nangangailangan pa sakin.

Makakakain lang kami pag may madaanan kaming basurahan. Malayo kasi sa kabahayan ang bahay ng tita at tito namin, at hindi ko narin alam kong ano nang nangyari sa bahay namin. Hanggang sa may tumulong samin, si Boss Ronald isang negosyante. Siya ang nakakita sa'ming magkapatid na nakahandusay na sa gilid ng daan, dulot ng pagod at gutom.

Nagising nalang ako na nasa hospital na, gayon din ang kapatid ko. At doon nagpakilala si Boss Ronald sakin. Sinabi niya aampunin niya raw kaming dalawa ng kapatid ko sa isang kondisyon. Mag tatrabaho raw ako sa komopanya niya pagtuntong ko ng 18. Umuo naman ako, mas okay narin ito kesa magtitiis kami sa gutom ng kapatid ko.

At ayon dinala niya kami ni Stela sa bahay niya at doon ko nakilala si Rhomyssa, inampon niya rin pala ito. 15 years old rin si Rhom noon nang nagkakilala kami.

Audrey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon