Chapter 37

922 34 0
                                    

Nakahinga ako ng malalim dahil naputol ko na ang huling wire ng hindi pa umabot sa isang segondo bago pumutok ang bomba. Nakita ko si Steve na pinagbabaril ang pating na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Lumangoy siya papunta sa gawi namin at kinarga niya si Stela at nagsimulang lumangoy. Sumunod din ako kay Steve, nakahinga ako ng maluwag dahil nailigtas namin si Stela.

Napahiga ako sa baybayin habang yakap parin ni Steve ang kapatid ko. Napalingon-lingon ako, mukhang nandito kami sa timog na bahagi ng isla, halos walang makitang tao rito dahil bihira nalang dayuhan nang mga tao ang parteng ito sa isla.

Bumangon ako para puntahan si Steve pero bigla nalang may nagpaputok, at nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita kong sino ang natamaan.

"STELAAAAAA!" no! no! no! hindi 'to totoo, hindiii!!!

Pagalit na nilingon ko kung sino ang bumaril sa kapatid ko at halos pumutok ang ulo ko sa galit dahil si Zien ang nakita ko, kasama ang ama niya at si Blake!

"MGA WALANG HIYA KAYO!" binunot ko ang baril ko para ipaputok sa gawi nila pero bigla nalang tumalsik ang dala kong baril dahil may pumatid sa'kin.

Kasama ng pagtalsik ng baril, tumalsik din ako na halos masagi ko na ang paa nang mga hayop nato! napalingon ako sa gawi nina Steve pero laking gulat ko ng hawak na si Steve nang mga armadong lalaki, at ang kapatid ko ay nakahiga na sa buhangin.

Sampung lalaki ang nakapalibot sa gawi ni Steve at sa'kin.

"BITAWAN NIYO KO!!" marahas na hinila ako nung isang lalaki habang puwersahang pinaharap sa mga taong demonyo.

"Wag kang mag-alala Audrey, sabay-sabay din naman kayong mamamatay'ng dalawa ng kapatid mo. HAHAHAHAHA"

"HAYOP KA!" singhal ko sa kanya.

"OWWS? ako pa ang hayop ngayon? samantalang pinatay mo ang asawa ko!?" kumunot ang noo ko. Asawa? sinong asawa ang pinagsasabi niya?

"Hindi mo naalala? PINATAY MO ANG ASAWA KO! PINATAY MO SI CHARLES!"

Hindi makapaniwala'ng nakatingin ako sa kanya. Asawa niya ang doctor na'yon? ang akala ko nasa labas ng islang ito ang asawa't anak niya? gaya nung sinabi ni Charles bago siya binawian ng buhay.

"Paano'ng?"

"Nandoon ako sa oras na'yon Audrey! nakita ko kung paano mo siya pinagbabaril!" it can't be.

"Paano mo siya naging asawa? Ang alam ko nasa labas ang kanyang asawa't anak?" napatawa si Zien na parang baliw.

"Simple Audrey, pinatay ko ang totoo niyang asawa para ako na ang magmamay-ari sa kanya. PERO PINATAY MO SIYA! PINATAY MO SIYA!"

Ang pinagtataka ko ay kung bakit alam nila na dito kami mapapadpad nina Steve at Stela, dahil sa tantiya ko ngayon mukhang kanina pa silang nakabantay rito.

"Hindi ko naman sinadyang mapatay ko siya!" hinawakan niya ang baba ko habang nanunuod lang sa'min sina Blake at ang ama niyang hayop!

"Hindi sinasadya!? eh diba 'yon naman talaga ang plano mo nung gabing iyon? ang patayin ang asawa ko at isusunod mo ang ama ko!?" magkasalubong ako kilay nang tiningnan ko siya.

"Paanong?.." tumawa uli siya na parang baliw habang..

*PAK!*

Sinampal niya ako ng kay lakas!

"Simple Audrey" ngumisi siya sa'kin nang maala demonyo.

"Dahil sa lalaking mahal mo HAHAHAHAHA" h-hindi, h-hindi ito maaari!

Audrey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon