Chapter 33

1K 36 0
                                    

"Audrey? Audrey anong nangyari? bakit.." hindi ko na nilingon pa kung sino ang lumapit sa'kin dahil sa tinig palang alam ko nang si Steve ito. Hindi rin natapos ang sasabihin sana niya dahil sa nakita niyang papel na nasa paanan ko na.

Nakita kong pinulot niya ito, at hindi ako magtataka na pati siya ay magulat din sa laman ng sulat. Ito ang nakalagay sa papel.

Audrey,

   Kung mababasa mo na ang sulat na ito, siguro wala na ako sa mundo. I'm sorry, I'm sorry if I need to do this. Wala akong choice kundi sundin ang utos nila sa'kin, papatayin nila ang kapatid ko. Papatayin nila si Yssesa.

   Bago ko gagawin ang plano nila, may iniwan ako sa kapatid mo kasama ang sulat na ito. Magagamit niyo ito sa pagtakas niyo sa isla. Patawad kong kailangan kitang masaktan, pero kung makakaligtas ka man, please save my sister. Matagal ko nang alam na siya ang kapatid ko pero hindi ko sinabi kahit kay Yssesa dahil sa rason'g papatayin nila kaming dalawa.

   Ingatan mo ang sarili mo Audrey, may naghihintay sa'yo sa labas ng islang ito. Wag kang magpapahuli sa kanya, wag kang magpapatalo sa kanila.

   Bago ako mamamaalam, kung may masabi man akong hindi maganda sa'yo wag mo sanang paniniwalaan iyon dahil isang kapatid na ang turing ko sayo, lalong-lalo na sa kapatid mo. But sad to say, hindi ko na makikita pa ang paggaling nang kapatid mo Audrey. Mag-iingat kayo ha? and please save my sister from them, save her.

16211316
2085
615154
91419945
920
2391212
14522518
518211620
156
238112519
2021131325
                                                     Almira

"Sinong nagbigay sa'yo nito Audrey?" pinahid ko muna ang luha ko bago ko siya sinagot.

"Si Doc Kaizer" tinititigan niya parin ang papel.

"Alam niya kaya ito?" umiling ako sa kanya.

Mukhang kay Almira talaga ang sulat na ito. Hindi ako makapaniwalang ganito ang nangyayari sa kanya, I felt guilty kasi hinusgahan ko kaagad siya.

Si Yssesa pala ang kapatid niya, pero bakit parang hindi alam ni Yssesa na ate niya si Almira?

"Bago ako mamamaalam, kung may masabi man akong hindi maganda sa'yo wag mo sanang paniniwalaan iyon dahil isang kapatid na ang turing ko sayo, lalong-lalo na sa kapatid mo" subrang sakit mabasa ito lalo na dahil ang paniwala ko ay isa siyang taksil, pero ginawa lang pala niya iyon para kay Yssesa, para sa kapatid niya.

"What is the meaning of all of this numbers?" napalingon uli ako sa kanya, nakita kong nakakunot na ang kanyang noo habang magkasalubong ang kilay.

"Ito rin ang nasa utak ko Steve, I don't know what to do. Parang walang katapusan ang lahat ng ito" napayuko ako, pakiramdam ko wala akong silbing tao, lalo pa ngayon na hindi pa ako makakalakad ng maayos.

"Bukas na natin isipin ito, matulog na tayo baka mabinat ka pa" pagkatapos niya itong sabihin, kaagad naman niya akong kinarga kahit may wheelchair naman sana ako, pero hindi na ako tumutol pa baka ibagsak pa niya ako sa sahig.

Pagdating namin sa sala, nakita ko ang mga kaibigan namin kasama na si Doc Kaizer na may nilalaro. Ang mga babae ay naglalaro ng baraha samantalang si Zandrix at Leon naglalaro naman ng chess and the rest naglalaro ng candy crush. Langya! akala ko mga babae lang ang naglalaro ng candy crush, at ngayon nag-aaway pa sina Themoty at Iron dahil naubos na raw ng life si Iron tapos gusto nitong kunin ang cellphone ni Themoty. Napailing nalang ako habang nakatingin sa kanila.

Hindi na pala binalik ni Steve ang sulat, bukas ko nalang siguro kukunin 'yon. Inupo na kasi niya ako sa sofa habang siya pumanhik sa taas, may kukunin pa raw siya silid namin.

Audrey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon