Bonus Chapter

1.3K 40 3
                                        

AUDREY

Isang taon na ang nakalipas at masaya ako dahil nahanap ko na ang lifetime partner ko, at ngayon ibang kwento na naman ng buhay at pag-ibig ang masasaksihan ninyo.

Nandito na kami sa simbahan habang naghihintay sa bride. Si Yssesa, and yes you read it right. Ikakasal na si Yssesa kay Leon. Masaya ako para sa kanilang dalawa, masaya ako dahil alam kong mahal nila ang isa't isa.

Tumugtog na ang Beautiful in White by Westlife at pumasok ang napakagandang kaibigan ko, si Yssesa. Makikita ko sa mukha ni Yssesa ang saya pero hindi nakaligtas sa mga mata ko na parang may dinaramdam siya.

"Loenard Moonaro, will you take Yssesa Del Feli to be your wife? Will you love her, comfort her, protect her and be faithful for her for the rest of your life?"

"I will Father"

"Yssesa Del Feli, will you take Loenard Moonaro to be your husband? Will you love him, comfort him, protect him, and be faithful for him for the rest of your life?" isang nakakagulat ang narinig naming sagot ni Yssesa.

"I-I'm s-sorry L-Leon, I-I'm s-sorry" at tumakbo siya palabas ng simbahan.

"Yssesa!" tawag ni Leon kay Yssesa, pero pagdating namin sa labas ng simbahan wala nang Yssesa ang naabutan namin.

"YSSESAAAAAAAAAAAA!" this is the first time na makita naming umiyak si Leon hindi namin mapigilang hindi lumuha dahil ramdam namin ang sakit na nararamdaman ni Leon sa mga oras na ito.

"Yssesa ano bang nangyari sa'yo? Bakit sa araw na ito pa? Bakit sa araw nang kasal niyo pang dalawa? Bakit Yssesa? Bakit?"

End of Bonus Chapter

Abangan ang kwento ni Yssesa entitled YSSESA The Running Bride

-----------------------------------------------------------

Kyahh! gusto kong maiyak dahil ito ang unang pagkakataon na makatapos ako ng isang kwento. Ito ang unang pagkakataon na may matawag akong SARILING AKDA.

Maraming-maraming salamat sa lahat ng sumabaybay sa kwentong buhay ni Audrey, kahit alam kong hindi talaga maganda ang storya but still may nagtatiyaga paring bumasa.

Sa naghihintay ng update ko, maraming-maraming salamat po❤, hindi niyo po alam na binuhay niyo ang sigla ko para magsulat. Sa lahat nang nagvote maraming-maraming salamat po sa inyo😇.

Kay ate Rhomylyn kung saan doon ko kinuha ang pangalang Rhomyssa, maraming-maraming salamat sa pagmomotivated mo sa'kin ate❤.

Kay kuya ATHAPOS na nandiyan tumulong pag nahihirapan ako, thank you kuya (Try to read his story too). At sa lahat-lahat, maraming-maraming salamat sa inyo.

And lastly ay kay God, siya ang gumabay at tumulong sa'kin para bigyan ako ng ibang senaryo sa utak para may maisulat😇❤.

Again, maraming-maraming salamat sa inyo. Sana may magbabasa parin sa mga susunod kong kwento. God bless as all, and stay safe.

(Abangan niyo rin ang kwento nina RHOMYSSA, LEIZIN at LYNCH)

Love,
         MadamArs

Audrey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon