Chapter 22

1.1K 43 1
                                    

AUDREY

Iminulat ko ang aking mata, at napabalikwas ng bangon. Wait, bakit nandito na ako sa silid namin? the last time I remember, nakaupo ako malapit sa swimming pool.

Napatingin ako sa katawan ko, nakasuot na ako ng pajama at shirt. Parang shirt ito ni Steve dahil ang taas nito sa'kin.

"Aww!" napahawak ako sa ulo ko, bigla nalang sumakit kasi pero kaagad naman akong napatingin sa pintuan nang may biglang pumasok.

"Anong oras na ba?" bulong ko habang hinahanap ng mga mata ko ang wall clock.

"Shit! alas singko na nang hapon" babangon na sana ako pero pinigilan ako ni Steve.

"What do you think you're doing Audrey?" may dala siyang tubig at gamot. Bakit may gamot? wala naman akong sakit ah?

"Babangon, ano pa ba? alas singko na, teka ilang oras ba akong tulog?" umupo siya sa gilid ng kama habang nilagay niya sa maliit na table ang tubig ay gamot.

"Hmm mga almost 7 hours kang tulog honey" hinawakan nito ang noo ko.

"Ano bang ginagawa mo?" inalis ko ang kamay niya sa noo ko. Bumuntong hininga muna ito bago ako sinagot.

"Nilalagnat ka kanina, wala ka nang malay nung madatnan kita sa rooftop. Bakit ba kasi naligo ka na nilalagnat ka naman pala"

Shock! hindi ko naman alam na nilalagnat na pala ako, kaya pala ang bigat ng nararamdaman ko kanina, hindi ko lang napansin dahil puno ang utak ko kakaisip sa kapatid ko at sa planong gagawin ko mamayang hating gabi.

"I didn't know" mahina kong sabi. Narinig ko na naman siyang bumuntong hininga.

"Next time you should take care of yourself. Paano nalang kung hindi ako dumating? edi mas lalong magkakasakit ka dahil basang-basa kana nung naabutan kita roon" tiningnan ko siya.

"Why do you care? In the first place I'm just a toy here" naningkit ang mata niya habang nakatingin din sa'kin.

"Ganyan nalang ba talaga ang tingin mo sa'kin Audrey? Kung iniisip mo na gaya ako nang ibang lalaking nakasalamuha mo noon, nagkakamali ka. I'm not like them Audrey, hindi kita inisipang laruan ko lang" gusto kong umasa na sana, sana may ibang kahulugan ang sinabi niya ngayon but I already know that it's impossible, cause he love someone else.

"Pero ikaw na ang nagsabi na hindi ko dapat isipin na may ibang kahulugan ang pinapakita mo sa'kin Steve, kaya please don't treat me like this, you gave me a false alarm" tyaka nagtaklob ako ng kumot.

"What do you mean Aud? tell me, are you.. are you mad at me? what do you mean that I give you a false alarm? what kind of false alarm Aud?" hinawakan pa niya ang balikat ko, pero kahit nakakumot na ako ramdam ko parin ang init ng kamay niyang nakalapat sa balikat ko ngayon.

"Don't ask. Hindi ka rin naman makakatulong kung sasabihin ko sa'yo, alam ko naman kasing wala lang rin sa'yo ang lahat"

"Paano ako makakatulong kung hindi ko naman alam ang problema mo? teka bakit mo nasabing wala lang rin sa'kin ang lahat?" bumalikwas ako ng bangon saka tiningnan ko siya ng masama.

Nangako ako sa kanya kagabi na ipaparamdam ko na sa kanya kung gaano siya ka importanteng tao sa'kin pero mukhang mababawi ko rin ito, ang kulit niya kasi! sarap tirisin.

"Pwedi ba Steve! wag nang masyadong marami ang tanong! mas sumakit ang ulo ko eh" biglang lumambot ang kanyang ekspresyon.

"Okay okay.. Hindi na kita kukulitin. By the way aalis na muna ako, mag babar kami nang mga kaibigan ko, baka bukas na ako makakauwi o baka gusto mong sumama?" inirapan ko siya.

Audrey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon