"So dahil nito boss kaya pinaghinalaan mo si Audrey na siya si Loisa?" tanong ni Themoty habang nakaturo sa cam na nasa harap namin ngayon.
Nandito kami sa park na nasa loob lang din ng village. Seryoso silang nakatingin sa kinuhang litrato ko sa notebook ni Audrey.
"Exactly" sagot ko kay Themoty, napatango-tango naman silang apat, mukhang baliw tuloy tingnan.
"Kung siya si Loisa ibig sabihin matagal na pala natin siyang nahanap?" Komento ni Iron, binatukan naman ito ni Themoty.
"Gago! para namang may naitulong kang mahanap si Loisa" napakamot si Iron sa ulo niya na natamaan sa kamay ni Themoty.
"Bakit ikaw? may naitulong ka ba? kung makagago 'to, eh kung patayin kaya kita?" ito na naman ang dalawa, nag-aaway na naman, mga baliw talaga.
"Sige patayin mo ko para ikaw naman ang malalagot kina daddy" tumayo si Themoty. Naka indian sit kasi kami ngayon sa damuhan.
"Hindi naman kita papatayin sa sakit, papatayin kita sa sarap my baby kamote" ngising sagot ni Iron tapos kinikindatan pa si Themoty habang tumayo rin ito.
"Bakla ka ba? kaya ba hanggang ngayon wala ka paring girlfriend dahil ako ang gusto mo?" magkapantay na sila ngayong dalawa.
Lumapit si Iron sa kanya, habang kaming tatlo nanunuod lang sa kulitan nilang dalawa.
"Alam mo Themoty, my kamote baby.." hinawakan nito ang dibdib ni Themoty habang binabakla nito ang boses niya, napailing nalang ako.
"Gustong gusto na talaga kita simula pa nung bata pa tayo hanggang ngayon" inilapit nito ang mukha niya sa mukha ni Themoty. Ang mukha ni Themoty ngayon hindi na ma ipinta, parang nandidiri siya na iwan, gusto ko tuloy matawa.
"Kamote.. este Themoty my baby…" hinawakan nito ang pisngi ni Themoty.
"Will you be my boyglfriend?" narinig kong na napatawa na nang malakas ang dalawang kasama kong nanunuod sa eksena ng dalawa naming kamasa.
"Anong boyglfriend? tumigil ka nga Iron! isa nalang kakainin na talaga kitang buhay na walang ketchup ketchup!" subrang pula narin ang mukha ni Themoty ngayon.
"Pfffft" pigil ko ng tawa, kahit nakakabwesit ang dalawang 'to, kahit palagi lang silang nag-aaway alam ko naman na deep inside mahal na mahal nila ang isa't isa bilang isang matalik na kaibigan.
"Wag mo nalang akong kainin baby kamote, ako nalang ang kakain sayo.. Rawr!" at this point na patawa na talaga kaming tatlo habang hawak ang tyan. 'Yong mukha kasi ni Themoty parang kakain na sa galit eh, mukha siyang nilutong letchon dahil sa pamumula ng kanyang mukha.
"Please be my boyglfriend baby kamote.. Please?" puppy eyes nitong paki-usap ni Iron.
Ang lakas talaga ng trip nang lalaking 'to, pero pag silang dalawa ang magkasundong mantrip nako! paniguradong may sunog na magaganap lalo na pag sinumpong ng kabaliwan itong si Zandrix, at mag pwersang sanib silang tatlo? wala na baka ang HQ namin, abo nalang ang matitira.
"Ano ba kasi 'yang BOYGLFRIEND!?" wala na parang wala na akong hangin kakatawa.
"Boyglfriend, 'yong boy at girl pinagsama tapos sinundan nang friend" kindat kindat nitong sagot kay Themoty. Napahilamos naman sa mukha si Themoty na mas lalo pang ikinapula ng kanyang mukha.
"Iwan ko sayong baliw ka! lubayan mo nga ako! GAGO!" aalis na sana si Themoty pero nahawakan kaagad ni Iron ang braso niya, para tuloy silang magjowa na nag-aaway.
BINABASA MO ANG
Audrey (Completed)
RomanceNa assign si Steven Smith Austin at nang team niya sa isang misyon. Ito ay ang alamin kung isa nga bang illegal recruitment ang AL Online Company. Ang AL Online Company ay isang kompanyang tumatanggap ng online na serbisyo kagaya nang pagpapalago n...