Chapter 32

1K 39 0
                                    

AUDREY

Napataklob ako ng kumot pagkatapos kong sabihin iyon. Shock! nakakahiyaaa huhuhu.

"Aw!" mahina kong daing ng maipit ang tyan ko, shit! pahamak talaga 'tong si Steve.

Pero nakaramdam ako ng lungkot dahil wala akong narinig man lang mula sa kaniya. 'Yong narinig ko kanina nung hindi pa ako nagigising, baka.. baka epekto lang 'yon nang mahaba kong tulog.

Mayamaya pa, narinig ko ang pagbukas-sarado ng pinto kaya alam kong umalis na si Steve. Damn! ngayon tuloy ako nagsisisi kung bakit ko 'yon sinabi.

"Bakit mo ba kasi 'yon sinabi Audrey? alam mo naman noon palang na may iba na siyang mahal, may iba na siyang nagugustuhan, may iba na siyang napupusuan" sambit ko sa aking isipan.

Tama nga 'yong sinabi nila, na once mainlove ka sa taong walang pag-asang magkakagusto sa'yo, masakit talaga ang epekto nito sa puso mo. Nung nangyari sa'min ni Blake, hindi naman ako masyadong nakaramdam nang sakit eh, siguro dahil batang-bata pa kami nun. Pero ngayon iba eh, iba ang nararamdaman ko kay Steve kesa nung naging kami ni Blake noon.

Pero gusto kong malaman kung sinong babaeng 'yon, kung sinong babaeng palagi niyang hinahanap pagnatutulog ito. Kung sino si Fiona, pero.. pero ito kaya ang babaeng nasa wallet ni Steve noon? ito kaya si Fiona? ang kamukhang-kamukha ko?

"Pagbalik mo anak, hanapin mo ang kapatid mo. Hanapin mo ang matagal ng nawawala mong kapatid, hanapin mo ang kakambal mo"

Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni daddy bago ako magising.

"Hanapin mo ang matagal ng nawawala mong kapatid, hanapin mo ang kakambal mo"

"Hanapin mo ang kakambal mo"

Possible kayang ang babaeng 'yon ay ang kakambal ko? pero bakit hindi ko 'to alam noon na may kakambal pala ako? bakit nilihim nina mommy na may kakambal ako?

"AAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!" subrang sa'kit ng ulo ko, fuck!

"AAAAAAAAAAH! DAMN! ANG SAKIIIIT!" napaupo narin ako dahil sa sakit.

Gusto kong hampas-hampasin ng martilyo ang ulo ko, subrang sakit talaga! DAMN IT!

Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko na kaya kung tingnan kong sino ang pumasok dahil hawak-hawak ko na ang ulo ko. Parang gusto ko nang biyakin dahil sa subrang sa'kit! hindi naman sigurko 'to epekto dahil sa hampas na natamo ko nung nadukot kami ni Rhom diba?

"AAAAAAH! DAMN! SUBRANG SAKIIIIIT!!" naramdaman kong may humawak sa kamay ko, pero hindi ko parin kinuha ang kamay ko kakasabunot sa buhok ko.

"LEON ANONG NANGYARI SA KANYA!? Aud? honey wag mong sabunutan ang sarili mong buhok, lalong masasaktan ka niyan" si Steve, si Steve pala 'tong pilit kunin ang kamay ko na nakasabunot sa buhok ko.

"AAAAAH! P-PARANG HINDI KO NA KAYA ANG SAKIT!" tumulo na ang luha ko nito, subrang sakit na talaga!

"Beshie! beshie wag mong sabunutan ang buhok mo" rinig ko mula kay Leizin.

"DAAAAMN! SHIIIIT! S-STEVE! S-STEVE ANG SAKIT!" and this time, hindi ko na sinabunotan ang buhok ko, nakatingin na ako ngayon kay Steve habang hawak niya ang mga kamay ko, habang may humahaplos naman sa buhok ko at likod.

Kita ko ang pag-alala sa mukha ni Steve at sa mga taong nandito sa kuwarto pero hindi ko na talaga kaya ang sakit! parang unti-unting nanghihina ang katawan ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"AAAAAAAH!" muli akong napahawak sa ulo ko nang biglang pumintig ito. Damn! parang ito pa ata ang ikakamatay ko.

"LEON! DO SOMETHING! hindi maaaring hayaan nalang natin si Audrey nang ganito!" rinig ko na naman mula kay Steve at mga hikbi na mula sa mga kaibigan ko.

Audrey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon