"I love you Audrey"
Hindi ko mapigilang lumuha sa mga katagang sinasabi niya, gusto mang maniwala ng puso ko na mahal niya ako pero sa utak ko alam kong hindi ako, hindi ako ang tunay niyang mahal.
"Hindi, hindi mo ko mahal Steve, sanabi mo lang ang katagang iyan dahil nakita mo ko sa asawa mo, siya ang tunay mong mahal at hindi ako"
End of Flashback
Matapos nang gabing iyon habang tulog si Steve minabuti kong tawagan si Supremo
Flashback
"Premo"
"Princess? is that you?" tanong niya sa kabilang linya.
"Yeah, I've changed my mind, could you fetch me here? sasama na ako sa inyo, tatanggapin ko na ang truno" hindi kaagad siya nakasagot sa'kin, teka may problema ba?
"Premo? are you still there?"
"I-I'm sorry Princess, h-hindi ko po inakalang tatanggapin mo"
"Like I said, I change my mind. Gusto ko ring masagot ng totoo kung ina ang lahat ng katanungan sa utak ko ngayon"
"Asan ka ngayon Princess Loisa? susunduin ka namin diyan. Thank you very much Princess, Thank you!"
"Ako dapat ang magpasalamat sa inyo. Please pakibilisan ang pagsundo sa'kin, gusto ko ng umalis sa lugar na ito as soon as possible" nakaramdam ako ng panghihilo, siguro dahil sa sugat ko.
"Where are you now Princess?" napalingon lingon ako sa kinaruruonan ko.
"Nandito ako malapit sa subdivision ng bahay nina Themoty, makikita niyo ako nakatayo malapit sa puno. Paki bilisan niyo sana dahil baka magising si Steve"
"Right away Princess" pagkatapos niya itong sabihin, pinatay ko na ang tawag.
Kinuha ko ang simcard sa phone ko at walang sabi-sabing pinutol ito. Kinuha ko rin ang lahat ng tracking devices na nilagay nila sa'kin. Gusto kong kalimutan si Steve pagmakaalis na ako rito.
Ilang minuto lang ang lumipas, may humintong sasakyan sa tapat ko, bumaba ang taong nasa loob at pinagbuksan ako ng pintuan. Si Segundo ang nagbukas ng pintuan.
"Are you sure about this Princess Loisa?" tanong ni Supremo sa'kin. Nasa driverseat siya naka-upo habang si Segundo naman ay nasa tabi niya.
"Yeah" matipid na sagot ko. Marami pa silang tanong sa'kin pero ni isa ay wala na akong sinagot.
Makalipas ang isang oras ay nandito na kami sa himpapawid, papunta na kami sa Mafia Land na nasa Paris France.
End of Flashback
At doon ko nakilala ang tunay kong ina. Kaya pala may naalala akong tinuruan ako ni mommy kung paano maging isang secret agent at ito ay dahil sa kanya.
Binura nina daddy ang alaala ko noong kasama ko pa ang tunay kong ina dahil biglang nagkagulo ang Mafia Land sa panahong iyon. Ang akala ng lahat ay si mommy Olivia ang totoo kung ina dahil nung una palang parang si mommy Olivia na ang tumayo sa'kin bilang isang ina.
Napilitan ang totoo kung ina na magtago dahil sa banta ni mommy Olivia sa kanya. Matagal ng gusto ni mommy Olivia si daddy noon kahit may asawa na si daddy. Inakit niya si daddy hanggang sa may nangyari sa kanilang dalawa. Nabuntis si mommy Olivia at si Fiona ang anak nila.
Tinangkang patayin ni mommy Olivia ang totoo kung ina pero hindi ito nagtagumpay dahil nang inakala niyang patay na si mommy, iniwan niya ito sa ilog malapit sa totoong bahay namin. Mabuti nalang at nasaklolohan si mommy sa mga tauhan ni daddy kaya nakaligtas si mommy at hanggang ngayon nasa Mafia Land na siya namalagi at hinayaang makasama ni mommy Olivia ang daddy ko. 5 year old daw ako sa panahong nangyari iyon, at naiwan ako sa bahay.

BINABASA MO ANG
Audrey (Completed)
RomanceNa assign si Steven Smith Austin at nang team niya sa isang misyon. Ito ay ang alamin kung isa nga bang illegal recruitment ang AL Online Company. Ang AL Online Company ay isang kompanyang tumatanggap ng online na serbisyo kagaya nang pagpapalago n...