Chapter 16

1.2K 40 0
                                        

"Hindi kita mapapatawad Blake! dadating ang panahon magbabayad ka rin sa lahat ng ginawa mo sa'kin! sisiguraduhin kong mapapatumba ko kayong dalawa ng ama mong demonyo!" bulong ko sa'king sarili.

"Are you okay Audrey?" napalingon ako kay Steve na ngayon ay nagmamaneho ng sasakyan.

"Hindi dapat ako ang tanungin mo niyan kundi ikaw. Ikaw okay ka lang ba? may masakit ba sayo?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

"I'm fine, para namang hindi ako lalaki sa tanong mo"

"B-but.." pinutol niya ang sasabihin ko sana.

"Okay lang talaga ako, don't mind me. Ikaw nasaktan ka ba?" umiling ako.

"Okay lang ako" tumango lang siya at hindi na muling nagsalita pa.

Namayani ang katahimikan sa loob ng kotse, pero hindi talaga ako mapakali eh.

"Ahm Steve" tiningnan ko siya pero siya hindi man lang lumingon sa'kin.

"Hmm?"

"Y-yung k-kanina…"

"Bakit?" ngayon, lumingon na siya sa'kin pero binalik niya rin kaagad ang kanyang atensyon sa daan.

"Y-yung n-nangyari.." sasabihin ko ba sa kanya? sasabihin ko ba sa kanya na kilala ko ang lalaking iyon? kilalang kilala?

"Look kung hindi ka pa handang sabihin kung anong ugnayan niyong dalawa, hindi kita pipilitin. Labas na ako niyan, wag mong bigyang ibang kahulugan ang ginawa ko kanina. Ginawa ko lang ang tama para sa isang babaeng ginaganon" napayuko ako, sabi ko nga diba? pero kasi nagsisinungaling ako sa kanya kanina na hindi ko kilala si Blake.

"S-sige" naging sagot ko nalang.

Bigla kong naalala sina Yssesa, baka nag-alala na ang mga 'yon na hindi pa ako nakabalik sa table hanggang ngayon.

"Teka Steve! 'yong bag ko naiwan sa hotel, tapos hindi pa naman ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko na aalis na tayo"

"T-teka dala mo ba ang cellphone mo sayo? pwedi ko bang hiramin saglit? tatawagan ko lang si Yssesa, kabisado ko naman ang number niya eh" napatingin ito sa'kin na parang sinasabing wala rin sa kanya ang kanyang cellphone.

"Wag mong sabihing wala sayo ang cellphone mo?" at umiling nga siya.

"Patay! paano na'to? Steve! bumalik nalang tayo sa hotel"

"Hindi pwedi, tyaka siguro namang dadalhin ng mga kaibigan mo ang bag mo na naiwan doon" umayos ako ng upo.

"Sabagay, pupuntahan ko nalang sila bukas sa bahay ni… Teka alam mo ba kung saan nagsta-stay ang mga kaibigan mo?"

"Oo, nabanggit nila sa'kin kanina nung nagpaalam kayong mag-cr. Nasa parehong village lang sila sa'tin" wait! sila ang rumenta sa natirang tatlong bahay sa Guest Village? Grabe ang yayaman talaga siguro ng mga ito.

"Ah, ganon ba? mabuti naman" tumango lang siya.

Napansin kong parang hindi naman papuntang Guest Village ang tinatahak naming daan ngayon.

"Saan tayo pupunta Steve? hindi naman ito ang daan pauwi ah?" pero hindi niya ako sinagot, nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho until huminto kami malapit sa seaside.

"Anong gagawin natin dito?" sa wakas nilingon na niya ako.

"Dito muna tayo, gusto ko munang tumambay dito bago umuwi" lumabas siya ng sasakyan, naghihintay pa ako ng ilang segundo, nagbabakasakaling pagbuksan niya ako ng pinto pero hindi. Shit! bakit ba ako umasang pagbuksan niya? pero kasi kahapon.. Ay iwan! makalabas na nga lang.

Audrey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon