AILEE
"Ailee,"
Napatayo ako nang tawagin ako ni Ms. Cuenco na nasa harapan.
"Ipasa nyo sa kanya lahat ng mga projects nyo." Tumingin sya sa mga kaklase ko at bumalik ang tingin nya sakin. "Hanggang lunch time lang Ms. Park, okay?"
Tumango lang ako at lumabas na si Ms. Cuenco.
"You all hear that, right? Hanggang lunch time lang, meaning---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang tumayo si Sunoo.
"Meaning, may dalawang oras pa tayo para tapusin yan. Yehey!" Para syang batang binilhan ng laruan.
"Ailee!"
Kunot-noo akong napatingin kina Sunoo na kasama sina Jake, Sunghoon, at Taki.
"Lunch pa naman diba!" Sigaw na tanong ni Sunoo at tumango lang ako. "Sabi ko sainyo, eh. Dapat ako na lang naging president, eh."
Ewan ko ba kung sadyang nilakasan lang talaga ni Sunoo ang sinabi nya o sadyang ganon talaga kahina ang pagbulong nya.
Kung sya ang naging president ng klase namin. Sigurado akong parang dinaanan ng bagyo ang classroom namin.
Si Sunoo ba naman ang president.
"IS this all complete?" Kinuha ni Ms. Cuenco ang mga project ng mga late na nagpasa.
"Yes, ma'am."
Palabas na sana ako ng faculty nang bigla akong tawagin ni Sir Fernandez.
"Ailee, remind the class later that we will have an activity, thank you."
Tumango lang ako at lumabas na ng faculty.
I'm not a fan of makikipag chikahan sa teachers.
Pagkabalik ko ng classroom ay wala na ang mga kaklase ko at nakapatay na rin ang ilaw kaya wala akong makita.
Pagkabukas ko ng ilaw ay bigla akong nagulat dahil sa tunog ng party popper na nasa likod ko.
Si Niki na tuwang-tuwa.
"What are you doing?!" inis na tanong ko.
"It's your birthday." Niki.
Napatingin ako kay Sunoo na lumabas doon sa teacher's table na may hawak na cake.
"I don't do birthdays." Kinuha ko ang bag ko na malapit lang naman sa teacher's table at lalabas na sana ng magsalita si Sunoo.
"Hindi mo man lang naappreciate yung handa namin para sayo?" Napatingin ako sakanya at nakatingin lang din sya sakin.
"Thank you," ang sabi ko at lumabas na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/233086047-288-k613070.jpg)
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fanfiction"I'm always here for you...until the end"