98

315 15 0
                                    

AILEE

After what happened eight months ago, masaya na ako. Nakatira na ako kasama si daddy, mom canceled her plan, at mas lalo kaming naging close nina Sunoo. May nakalimutan pa ba ako? Wala na siguro.

"Oh, ano na ang plano?" Jimin.

Napatingin ako kay Jimin. What plan?

"Anong plano?" tanong ko paglapit ko sakanila. Nandito kami ngayon sa bahay nina Jay. Ang yaman talaga!

"P-plano? May sinabi ba ako ganon?" Tanong ni Jimin sakanila.

"Hay nako, halika na nga Ailee sa labas. Laro tayo doon, paunahan tayong magsalita yung bato na mga kakausapin natin," sabi ni Lena saka hinampas si Jimin sa braso.

Pinagsasabi neto? Nababaliw na ba 'to? Anong trip neto?

"Halika na," sinundan ko na lang si Lena at nakita naman namin sina Sunghoom at Sunoo.

Bumili kasi sila ng meryenda sa labas. May dala silang plastic baka mga yung pagkain ang nakalagay doon.

"Ay sunoo my friend!" Biglang tawag ni Lena sakanya "Najejebs kasi ako eh. Ikaw na lang ang sumama kay Ailee kahit saan. Kahit sa moon mo pa sya dalhin go lang kahit wag mo na nga ibalik, oks lang!"

"Lena," sabay naming tawag ni Sunghoon kay Lena.

"Why? Solo time na ph. Grab the opportunity!" Ang sabi ni Lena at humawak kay Sunghoon at iniwan kaming dalawa ni Sunoo.

Ah magaling.

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now