AILEE
"Dito na muna kayo, ah."
Nandito na kami sa labas ng bahay ngayon. Dumeretso agad kami dito dahil ayaw nilang magsayang ng oras kasi daw maglalaro pa sila.
Mas lalo rin naman ako 'no.
"Hindi pa 'to nakapagpaalam," bulong ni Sunoo pero narinig ko naman.
"Nakapagpaalam ako," ang sabi ko at pumasok na sa bahay.
"You're early?" Bungad sakin ni mommy pagpasok ko ng bahay.
Lagi naman akong umuuwi ng maaga, duh. Nakaupo si mommy sa sofa habang umiinom ng tea.
"Yeah, we have an activity that looks like a project," bulong ko "By the way, my classmates are here."
Napataas naman ng kilay si mama. "They are my classmates, just classmates not friends" ang pagkaklaro ko.
Actually, hindi pa naman talaga ako nakakapagpaalam, eh.
"And also, it's an activity."
Sa tingin ko wala naman ng magagawa si mommy dahil nandito na sila kaya pinapasok ko na rin sila.
"Mukhang hindi natin kakailanganin ng glue gun," ang sabi ni Jay.
Umiling lang ako. "Kakailanganin natin yan."
"Sabi mo, eh."
We decided na yung mismong bahay muna namin ang gawin namin at wag muna ang mga furnitures dahil may oras pa naman kami na gawin yon.
"Mom---"
Napatingin kaming lahat nina Sunoo na pumasok dito sa bahay. Si Sunghoon.
"Hi?" Tinaas nya ang kanang kamay nya. Napatingin sya sakin at sa mga kaklase ko.
Pumunta na sya sa kwarto nya.
"Sino yun?" Biglang tanong ni Jake.
"Bakit? Na-love at first sight ka?" Asar ni Niki at tumawa naman sina Jay.
"Gago, hindi." Hininaan ni Jake ang pagkakamura nya.
"So, why?" Taas-kilay kong tanong.
"Wala lang." Pinagpatuloy ni Jake ang ginagawa nya.
"He is my step brother," mahinang sabi ko.
"Weh?!"
Gulat silang lahat?
"Tone down your voice, young men" ang sabi ko.
"Ay, sorry."
"Kaya pala gwapo," Jake.
"Wala tayong pagkain?" Tanong naman ni Geonu.
All the time na makakasama ko sya, hindi nawawala ang pagkain sa bibig nya.
I received a text at tamang-tama lang 'yon sa pagsalita ni Geonu.
"Sandali lang."
Lumabas ako at nandon na yung nag deliver ng inorder ko kanina.
"Thank you,"
"Wow!" Geonu.
Nakita nila ang nilabas ko mula sa paper bag.
"Mauubos ba 'to?" Tanong ni Sunoo."As long as we have Geonu," tumawa naman ako pero sandali lang.
"Papalagpasin ko yang sinabi mo, ah kasi tumawa ka." Kumuha si Geonu ng isa at kinain yon. "Ang sarap!"
"Tone down your voice, young man," sabay na sabi nina Sunoo.
Napailing-iling na lang ako at kumain na kami.
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fiksi Penggemar"I'm always here for you...until the end"