SUNOO
"Ano? Nasabi mo na?"
Kumapit si Kyungmin sa braso ko. Umiling lang ako at dun sya kumalas.
"Ano ka ba? Kim Sunoo...hyung naman!" Daniel.
Nandito kaming tatlo sa isang table kung saan malayo kina Heesung. Kumuha ako ng isang fries at kinain yon.
"Pero may sinabi sya sakin," ang nakangiti kong sabi. Napatingin naman sila sakin na what-is-it-look.
"Gusto nyo malaman?"Minsan masaya rin asaring 'tong dalawang 'to. Hindi ako papayag na ako lang yung inaasar 'no.
"Mang aasar yan. Predicted ko na 'to hyung," ang sabi ni Daniel.
Iiyak na naman ang bata.
"Hyung naman, wag ng paligoy-ligoy pa! Ano yung sinabi nya?" Kyungmin. Para syang bata na pinapadyak padyak yung paa nya.
Sundalo ka boy?
"I like you," ginaya ko yung boses ni Ailee nung sinabi nya sakin yon kanina.
Maya-maya bigla ko na lang naramdaman na nahulog ako sa damuhan at tinignan ng masama si Kyungmin.
"Kung kinikilig kayo wala naman sanang tulakan," ang sabi ko at tumayo.
"Eh anong naramdaman mo?" Tanong ni Daniel.
"Syempre masaya!" Masayang sabi ko at tumalon-talon. Nakitalon na rin sina Kyungmin at Daniel.
"Ladies and gentlemen, we would like to thank all of the guests who came here tonight," ang sabi nung mommy ni Jungwon.
"This event is special to us specially to our son, Jungwon and Lara's daughter, Ailee," dagdag pa nya.
Napakunot-noo ako. Ano daw? Ano ba ang meron?
"Alam namin na nagtataka kayo kung tungkol saan ang event na ito at hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. This party is the engagement party of Yang Jungwon and Ailee Park." Jungwon's mom continued.
Kanina masaya lang ako pero ngayon? Totoo ba ang naririnig ko.
"Gusto ka nya pero pinagkasundo sya sa iba? Is that possible?" Ang sabi ni Kyungmin sa likod ko.
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Фанфик"I'm always here for you...until the end"