AILEE
"Sunoo," mahinang tawag ko sa kanya.
Mukhang alam nya naman ata kung bakit ko sya tinatawag, eh. Napatango lang kami sa isa't isa.
Tumayo kami na parang wala kaming naririnig. Normal lang kaming naglalakad.
Hanggang sa may makita kaming anino sa likod ng puno na madadaanan namin.
Hinawakan ko ang kamay ni Sunoo at tinignan yung puno, napatingin din naman si Sunoo doon.
Naglakad kami palapit sa puno at muntikan na akong atakihin sa puso.
"Bulaga!"
Ay nagulat ako.
Napairap na lang ako at sinamaan ng tingin sina Kyungmin at Daniel.
"May label na ba?" Ngumiti ng nakakaloko si Daniel. Napakunot-noo naman ako.
Napansin ko na nakatingin pala sina Daniel at Kyungmin sa kamay namin ni Sunoo kaya agad naman akong bumitaw.
"Parang wala pa, bro. Sayang," umiling-iling si Daniel at umakbay kay Kyungmin.
"Si Jay hyung?" Pag-iiba ni Sunoo ng usapan.
"Ayon, tulog," sabi naman ni Kyungmin.
Naguguluhan ako sakanila. Nag-uusap sila pero gamit lang ang mga mata nila at ngumiti na parang may balak.
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fanfic"I'm always here for you...until the end"