56

320 17 0
                                    

AILEE

"Hindi ko na gusto ang iniisip nila," sabi ko kay Jungwon pagbaba namin ng sasakyan.

"Sa tingin mo ba gusto ko rin?" iritang tanong ni Jungwon.

Daddy. I need my daddy! Nawalan na ako ng koneksyon sakanya simula noon, kailangan ko syang hanapin!

"You need to help me," sabi ko pagpasok namin ng school.

Napakunot-noo naman sya.

"Tulungan mo ko hanapin si daddy, sya ang makakatulong satin. Daddy won't let this happen, alam ko na hindi nya pa alam ang nangyayari. Kaya tutulungan mo ko."

"Busy ka?" Napatingin ako kay Sunoo na umupo sa tabi ko habang kinakalikot ang phone ko.

Umiling lang ako.

"Tara lunch!"

Kinuha ni Sunoo ang bag ko kaya sumunod na lang ako. Habang naglalakad kami ay hinahanap ko pa rin ang social media ni daddy.

"Baka mabunggo ka naman ng sasakyan nyan." Hinila ako ni Sunoo sa kanan nya.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong nya sakin.

"Kahit saan," tipid kong sabi.

"Sa foodcourt?"

Napatingin ako sakanya "Ang mahal kaya doon,"

Mas gugustuhin ko pa atang kumain sa McDo eh.

"McDo na lang, nagc-crave ako sa nuggets nila eh" ang nakangiting sabi ko at tumango naman sya.

"Ano ba ang kinakalikot mo dyan sa phone mo?" Tanong nya nang mailapag nya ang pagkain namin sa table.

"May hinahanap lang ako."

"Ano o sino?"

"My dad."

Napatango-tango naman sya.

"Then, I will help you."

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now