50

319 15 2
                                        

SUNOO

Self, paki-explain nga kung bakit ko katabi si Jay hyung? Hindi ako makatulog dahil sa kanya. Kung hindi nya ako yayakapin, yung paa nya nakapatong sakin. Yung totoo?

Iritado kong tinanggal yung paa at kamay nya sakin saka umalis ako sa kama.

Dahil wala na akong matutulugan, tuluyan na akong hindi makatulog.

Kaya lumabas na lang ako ng kwarto. Pagkalabas ko naman ng kwarto ay may nakita ako na lumabas sa kwarto nina Ailee.

"Si Ailee yun o namamalik-mata lang ako?" Tanong ko sa sarili ko.

Baka nagpapanggap na Ailee yon?

Anong oras na ba at gising pa yon? Patago ko syang sinundan at pumunta sya doon sa dagat.

Hindi kaya tulog sya na naglalakad o kaya may sumapi sa kanya?

Napatigil naman ako sa pag sunod sa kanya ng makita syang umupo.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

"Siomai ka!" Napatayo sya sa gulat at muntikan pa na matumba buti na lang at agad kong nahawakan yung kamay nya.

"Sabagay ganitong oras nakakagutom," ang sabi ko. "Hindi ka pa natutulog?"

"Bakit may nakita ka bang natutulog na sumigaw ng siomai ka?" tinaasan pa ako ng kilay.

Masama na ba mag tanong?

"Wala naman" naupo ako sa inupuan nya kanina at pinapaupo ko naman sya sa tabi ko.

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now