39

326 18 0
                                        

AILEE

"Birthday mo na pala Sunghoon sa Friday, hindi ba?"

Sabi ng daddy nya habang kumakain kami. Nagkatinginan naman kami ni Sunghoon.

Napag-usapan namin na sa Friday ang outing at natapat yun sa birthday ni Sunghoon, nakapag-paalam na rin daw sila kaya kaming dalawa ni Sunghoon ang namomroblema.

Kung may plano sina mommy, patay kami. Maybe, they will throw a party? No way!

Tumango lang si Sunghoon at nagpatuloy ako sa pag kain.

"Do you have plans?" Tanong ni mommy.

Well, mabait si mommy kay Sunghoon at ganun din ang daddy nya sakin. Ako lang talaga ang masama.

"Meron po sana. May outing po kami sa Friday, pwede po ba na isama si Ailee?" Tumingin sakin si Sunghoon at kay mommy.

Hindi naman nagsalita si mommy kaya hindi na lang ako umasa.

"Sige,"

Napatingin naman ako kay mommy pero blanko lang ang mukha ko. Masaya ako syempre pero di ko lang pinapakita.

"No conditions," dagdag nya.

Yan ang gusto ko! Yan ang matagal ko ng gusto!

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now