100

319 17 3
                                    

AILEE

Pagkagising ko agad na bumingad sakin sina Sunoo. Buti na lang pala ay nakapag ayos na ako kanina kaso nakatulog lang ulet.

Sinabi ko kay daddy na dito na lang kami maghanda like katulad ng dati na ginagawa namin. Simple lang pero masaya.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko at tinaasan sila ng kilay.

"Ba yan, kakagising mo lang tapos tinaasan mo kami agad ng kilay kung tanggalin ko kaya yang kilay mo?" Sabi ni Jay at akmang lalapit sakin.

Sinamaan ko sya ng tingin yung masamang-masama. Binigay sakin ni Sunoo ang cake para picturan daw ako. Wow.

One of my best birthday celebration ever!

Habang kumakain kami yung iba naman ay busy sakanilang phone.

"Ailee!"

Napatingin naman ako kay daddy at sinensyasan na lumapit sakanya. Lumabas kami ng bahay at may nakita akong pamilyar na babae.

Si mommy.

Napatingin ako kay daddy at nginitian naman ako. Lumapit ako kay mommy at umupo sa tabi nya.

"Happy birthday, anak."

Napatingin ako sakanya na nakatingin sakin. Malungkot sya.

"I'm sorry sa lahat ng nagawa ko ha? Masyado akong naging mahigpit sayo, sana mapatawad mo ko anak," hinawakan nya ang dalawang kamay ko.

"Mommy, wala na yun napatawad na kita sa lahat. Wala namang anak na hindi napapatawad ang kanilang mga magulang diba?" ang sabi ko.

Pumasok kami ng bahay at tinawag ko si Sunoo.

"Mom, si Sunoo," pagpapakilala ko kay Mommy.

"Ang manliligaw ni Ailee," napatingin naman ako kay daddy.

Napatingin ako kay mommy para tignan yung reaksyon ni mommy at ngumiti sakin saka hinawakan ang buhok ko "As long as you are happy,"

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now