AILEE
"Good afternoon, class!"
Bati ni Sir Fernandez pag pasok nya ng classroom. Bumati rin naman kami.
Nasabi na rin si Sir yung activity namin. It's a group activity. Malas lang kasi puro lalake ang kagrupo ko.
"Okay! So, Sino na ang leader?" Nakangiting sabi ni Sunoo nang magsilibutan kami as a group one
Nakatingin lang ako sa sahig habang nakikinig sa kanila.
"Si president!" Turo sakin ni Taki.
Nakakunot-noo naman akong tumingin sakanila.
"Why me? Iba naman." Reklamo ko. Tumingin ako kay Sunoo.
Why does it always have to be me? Ah, baka nag-iisang babae lang ako sa grupo na 'to?
Automatic na yon sa ilang taon naman na nakikita ko ang mukha nila halo araw-araw.
"Alam nyo di naman na kailangan ng leader, eh. Ang mahalaga nagtutulungan tayo." Biglang sabi ni Sunoo.
"Ang sabihin mo, ayaw mo lang," ang sabi naman ni Jay.
"Edi ikaw na lang." Turo ni Sunoo kay Jay.
"Alam nyo wala tayong mauumpisahan kung inuuna nyo kung sino ang magiging leader," ang sabi ko.
Totoo naman yon.
Lalo na at ang activity namin ay gagawa daw kami ng bahay. Yung mala 'kung titira kayo sa iisang bahay ano at bakit yun ang bahay na napili nyo?'
Ako na ang naghati-hati ng mga gagawin namin. Taki, Niki, Jay, and Jake will decide what house we will make. Geonu, Sunoo, K, and I will buy the materials later.
We only have four days to make this house. Kaya sige, go lang.
"Syempre dapat maraming pagkain ang bahay natin," masayang sabi ni Geonu.
"Hindi naman talaga mawawala sayo yon, eh." Sumingit si Daniel na nasa ibang grupo.
"Ano pa ang kailangan?" Tanong ni K sakin.
Nandito kami ngayon sa National Bookstore at naghahanap na ng mga materials.
"Glue gun?" Sigurado naman ako sa sagot ko.
Pagkatapos namin mabili lahat ng materials ay nagyaya naman si Geonu kumain.
Uuwi na sana ako kaso mapilit talaga kaya naiinis ako.
Nandito kami ngayon sa tapat ng Potato Corner. Nakatingin lang ako sa menu.
May balak ba ako bumili o wala?
Umupo na lang ako sa may pang-apat na upuan at nilagay naman sa ilalim ng table ang mga napamili namin
"Hindi ka bumili?" Tanong ni K.
"Hindi ba halata?" Tumabi sakin si Sunoo.
Napatingin naman ako sa phone ko na pinaglalaruan ko ngayon nang biglang mag text ang kapatid ko.
From: Sunghoon
Wala ka sa school?Bakit ba nila akong gustong sunduin. Mukha pa ba akong bata?
"I guess, I need to go home." Pinatay ko ang phone ko at tumingin sa kanila.
"Agad?" Sabay nilang tanong sakin at tumango lang ako.
Sinukbit ko na ang bag ko at aalis na sana nang magsalita si Sunoo.
"Kuha ka muna bago ka umalis."
Kumuha na lang ako ng isang fries nya na ang flavor ay barbecue.
"Thank you,"
![](https://img.wattpad.com/cover/233086047-288-k613070.jpg)
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fanfiction"I'm always here for you...until the end"