49

328 15 0
                                        

AILEE

Naalimpungatan ako kaya bumangon ako. Hindi ko naman namalayan na makakatulog na ako ng tuluyan kanina.

Kinuha ko ang phone ko na nasa loob ng bag ko at 3:02 pa lang ng madaling araw. Sa dinami-dami ng pwedeng oras akong magising bakit ganitong oras pa.

Dahil matapang ako, lumabas muna ako pansamantala.

Nakabukas naman ang mga ilaw dito kaya medyo matapang pa ako. May nakita akong kahoy na malapit sa dagat kaya naupo ako doon.

Tahimik at tipong alon lang ng tubig ang naririnig ko. Malakig kaya naman niyakap ko ang sarili ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Siomai ka!" Napatayo ako sa gulat muntikan pa nga akong matumba e.

"Sabagay ganitong oras nakakagutom," ang sabi ni Sunoo. "Hindi ka pa natutulog?"

"Bakit may nakita ka bang natutulog na sumigaw ng siomai ka?" tinaasan ko sya ng kilay.

"Wala naman" naupo sya sa kaninang pwesto at ngayon, pinapaupo nya naman ako sa tabi ko.

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now