40

331 16 0
                                    

AILEE

"What do you think na magugustuhan nya?"

Tanong ko kay Lena. Na sa mall kami ngayon at nagpasama akong maghanap ng regalo para kay Sunghoon.

Pero dapat ay agad akong makauwi dahil umalis ako ng bahay ng wala sina mommy.

Papasalamat lang at peace offering na rin sa mga inasta ko sa kanya dati.

"Kahit ano na yan, hindi naman masyadong maarte si Sunghoon sa mga bagay-bagay na binibigay sa kanya, eh" Lena.

"Kahit lipstick?" biro ko nang madaanan namin yung mga make up dito sa second floor.

"Ay wag yon, mali yon" umiling-iling sya.

Nag-ikot-ikot kami dito sa buing second floor hanggang sa makarating kami sa third floor.

May mga relo dito pero umiiling-iling naman si Lena. Akala ko ba kahit ano? I saw a swan figurine. Maliit lang yun tama na pandesign lang sa kwarto nya. Para rin syang kumikinang.

Hindi naman sa mukhang pato si Sunghoon pero ang cute lang tignan. Kinuha ko yun at pinakita kay Lena at nag thumbs up naman sya.

"Sana wala pa dun yung mommy mo," sabi ni Lena sakin nang pauwi na kami.

"Sana nga" ay bumuntong-hininga ako.

"Hayaan mo, pagdadasal kita"

Nginitian ko naman sya.

"Sumalangit nawa,"

"Parang pinatay mo naman ako" sinamaan ko sya ng tingin.

"Tingin pa lang ng mommy mo, nakakamatay na duh."

Sabagay tama sya.

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now