AILEE
Nakaupo lang ako dito sa labas ng bahay at nag iisip. Gabi na at tahimik pero ang sarap ng hangin.
Dalawa ang problema ko. Ay hindi, tatlo! Tatlo ang problema ko!
Una, yung problema namin ni Jungwon. Pangalawa, si daddy what if he doesn't help me? Pangatlo, si Sunoo. Argh!
Napasabunot na lang ako.
"Mabaliw ka nyan. Ay, baliw ka na pala,"
Sinamaan ko ng tingin si Sunghoon. Umupo sya sa tabi ko at ginulo ang buhok ko.
"Bakit mo ginulo ang buhok ko?" Sigaw ko sakanya.
"Ikaw ang unang nag gulo sa buhok mo," Sunghoon.
Bahala sya sa buhay nya.
"Musta kayo ni Lena?" Tanong ko. Iniwan kasi ako neto!
"Ayon humihinga pa rin," Sunghoon.
"Gusto mong malagutan ng hininga ngayon? As in now na?" Sabi ko.
"Wag! Magpapakasal pa kami ni Lena at magkakaanak!" Ang sabi nya.
Napa 'o' naman ang bibig ko at tinignan sya.
"Hoy, utak mo. Mali yang iniisip mo," Sunghoon.
Pinanliitan ko sya ng mata. Wala naman akong iniisip, ah. Sya lang yung nag iisip ng ganon, duh.
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fiksi Penggemar"I'm always here for you...until the end"