AILEE
"Why so tahimik?"
Tanong ni Lena. Hiniram ko muna sya kay Sunghoon para makasama ko kumain. Pinasama ko muna sya kina Sunoo.
"Wag mo laruin yang spaghetti mo mamaya biglang gumapang yan papunta sa plato ko," sabi nya pa.
"Lena," tawag ko sakanya at napaluha na lang ako.
"Shhh, wag ka na umiyak," tumabi sya sakin at pinatahan ako sa pag-iyak.
Dapat pala hindi na lang ako umamin. Dapat dati pa. Tapos ngayon hindi kami nag-uusap.
"Bakit ganon Lena? Sabi ko di ko na papakinggan pa si mommy sa kung anong gusto nya pero wala, eh dun din yung punta ko. Gusto ko lang naman maging masaya pero pinagkait pa sakin yon."
"Ikaw nagagawa mo kahit anong gusto mo. Pwede mo maging kaibigan ang kahit na sinong gusto mo tapos ako hindi. Pwede ka magmahal na kung sinong gusto mo pero ako hindi. Bakit ganon?"
"I can't answer you, Ailee but i'm here to listen," inayos nya ang mga gamit ko "Stop crying, pumapanget ka, eh. Baka biglang matakot sayo nyan si Sunoo, sige ka"
"Lena naman, eh" Pinunasan ko ang mukha ko.
"Just kidding," tumawa sya. "Halika na!"
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fanfiction"I'm always here for you...until the end"
