29

345 23 0
                                    

AILEE

Katulad nga ng sinabi ko kanina, occupied ang isang room ng Jollibee sa second floor.

"Hi sister!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na yon at sana hindi ko na lang pala tinignan.

"Ginagawa mo dito?" agad na tanong ko kay Sunghoon at tinignan yung kasama nyang babae.

Lena?

"Bakit? Sayo 'to?" nakangising tanong ni Sunghoon.

"Bakit? May sinabi ako?" taas-kilay kong tanong.

"Hep! Tama na yan. May pagkain sa harapan, oh." Jake.

"Pa-good shot si kuya mo." Heesung.

"May jowa na nga, eh." Jimin.

Jowa? Ibig sabihin, girlfriend ni Sunghoon si Lena? OMAYGAD!

Sunghoon can do everything he wants samantalang ako hindi. Pwede ko namang gawin lahat ng gusto ko pero kailangan patago pero dahil sa kolokoy na 'to---argh!

"At bakit dito ka uupo?" Tumayo ako at namewang.

"Syempre para bantayan ko ang kapatid ko." Sunghoon.

"Jungwon?" Napatingin ako kay Jungwon nang mapatingin si Sunghoon sakanya. "Musta kayo ng kapatid----"

"Yah! Kung kakain kayo, kumain kayo. At anong kapatid? Kailan pa nangyari yon?"

"Nung naging sina daddy at mommy mo," Ngumiti pa ng nakakaasar ang kolokoy.

"May something," bulong ni Kyungmin pero narinig ko naman.

"Kain na po tayo 'no. Masyadong matagal yung commercial, gutom na ako" ang sabi ni Geonu kaya naupo na lang ako.

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now