SUNOO
"Anong gagawin natin sa cake na 'to?" Tanong ni Daniel.
Nilapag ko sa teacher's table yung cake na hawak ko at tinignan ko lang.
Sayang at may toppings pa naman ng mga strawberry yon. Sa pagkakaalam ko, mahilig sya sa strawberry.
Dahil yon yung nakita ko noon sa getting to know each other namin nung 1st year na pinagawa ng adviser namin.
"Malamang, kakainin natin. Hindi naman pwedeng titigan lang natin katulad ng ginagawa ni Sunoo ngayon." Sumandal sa whiteboard si Jay hyung.
Napanguso na lang ako at umupo sa teacher's table. Kahit kelan talaga ang sama nung babaeng 'yon!
"Isipin mo yun sinurprise na natin, binilhan pa natin ng cake pero anong nangyari? Wala"
Gusto ko i-duct tape ang bibig ni Jay hyung, eh. Pwede ba? Kung pwede edi gagawin ko na.
Si Geonu hyung ang unang kumain ng cake at syempre sunod ako. Ako nagplano kaya dapat di ako mauubusan ng cake, mahirap pa naman lalo na pag si Geonu hyung ang kalaban.
"Ang sarap neto." Kumuha pa ako ng isang slice ng cake.
"Mas masarap ako," bigla akong napaubo dahil sa sinabi ni Daniel.
"Hoy! Yung bata!" Sigaw ni Jay hyung at tinuro si Daniel.
"My ears," si Jake hyung. Tinakpan pa ang tenga.
"Biro lang," ang natatawang sabi naman ni Daniel.
Napailing na lang ako sa mga pinag-gagawa nila at kumain na lang.
Dito na lang kami kumain sa classroom dahil wala naman sa amin ang susi dahil na sa magaling naming presidente na si Ailee masungit.
"Sunoo! Samahan mo ko bumili sa kwek-kwekan!" Napakamot na lang ako sa ulo at sinamahan si Geonu hyung.
Takaw! Sabi hindi na daw kakain pero wala pa isang minuto, may hawak na namang pagkain.
"Kuya, dalawang kwek-kwek po, apat na ham and cheese, dalawang stick ng fishball, at isang stick ng kikiam." Binigay na ni Geonu hyung yung bayad nya.
Lumapit naman ako sa kanya at bumulong. "Orderin mo na kaya lahat?"
Tumingin sya sakin at tinaasan ako ng kilay. "Basta libre mo?"
"Sabi ko nga at hindi na, eh." Tumingin na lang ako 7/11 kung nasaan si Ailee?
Si Ailee na nakasimangot as always?
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fanfiction"I'm always here for you...until the end"