AILEE
Nandito ako sa harap ng restaurang ni daddy. Dati pangarap nya lang ngayon natupad nya na.
Pagpasok pa lang namin ni Sunoo ay naamoy na namin yung mga pagkain na mga niluluto mula sa kitchen nila.
Maraming mga customers, muntikan na rin kaming mawalan ng mauupuan.
"Akala ko ba kakausapin mo daddy mo? Bakit uupo tayo? Kakain ba tayo?" Sunod-sunod na tanong ni Sunoo.
"Kakausapin ko nga si daddy at oo, kakain tayo dito. Nahiya naman ako sa tyan mo na kanina pa kumakalam 'no" ang sabi ko at tinawag ko si kuya waiter.
Napahawak na lang sa batok nya si Sunoo.
Pagkatapos ko mag order ay napatingin naman ako kay Sunoo na nakatingin sakin.
"Why?" tanong ko. Umiling lang sya.
Nagtatawanan lang kami ni Sunoo dahil sa nagpapatawa sya at nakwento nya yung nangyari kay Jungwon noong nakaraang araw.
"Mabuti na nga lang di pumapatol sa babae yun kundi baka kung ano yung nagawa nya don." Sunoo.
Natawa na lang ako hanggang sa may pumasok sa entrance. Si daddy.
"Sandali lang, ah?" Paalam ko. Tumango naman sya at iniwan sya.
Huminto ako sa likod nya dahil may kinakausap pa sya kaya naman nanatili lang akong nakatayo.
"Dad?" Tawag ko sakanya at lumingon naman sya.
Gulat. Yun ang nakita ko sakanya.
"Ailee?"
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fanfiction"I'm always here for you...until the end"