AILEE
"President! Musta ang bahay natin?"
Tanong agad ni Sunoo sakin pag pasok ko ng classroom.
"May future house na agad kayo?" Tanong naman ni Daniel.
Napailing-iling na lang akong pumunta sa upuan ko at umupo. Nilabas ko ang notebook ko at magsusulat lang ng kung ano-ano.
"So, ano na nangyari?" Tanong ni Sunoo.
Nagulat naman ako ng kaunti dahil sobrang lapit ng mukha nya sakin. Lumayo ako sa kanya ng kaunti at huminga ng malalim.
"Well, ayos lang naman ang bahay, okay? At ginawa ko yung floorings because I was bored yesterday."
Tumango-tango lang naman sya.
Pagkatapos ng klase namin ay dumeretso agad kami sa bahay at tinuloy ang ginagawa namin. Inumpisahan na rin namin na simulan ang mga furnitures na pandesign sa bahay namin.
"Tara! Laro tayo!" Ang sabi ni Sunoo nang mapagpasyahan namin na bukas na lang namin ulit ituloy.
"Ano ka? Bata?" Tanong ni Jay.
"Bakit? Bata lang ba ang pwede maglaro?" Tanong naman ni Sunoo at tinaasan pa ng kilay si Jay.
"Chill," Geonu.
"Ano ka? Si Nicholas?" Sabay naman na tanong nilang anim kay Geonu.
Anak ng chekwa!
"Oh, sige maglaro na kung maglalaro," ang sabi ko at inayos ang mga kalat namin "Bakit?"
Nakatingin kasi silang pito sakin na parang di makapaniwala. Lumapit naman sakin si Sunoo at nilagay ang palad nya sa noo ko.
"Wala namang sakit." Pinalo ko ang kamay nya at tinanggal nya naman agad.
"Baka may sapi," sabi ni Jake at tinignan ko naman sya ng masama.
"Nandito pala yung nagwapuhan kay Sunghoon, di ko napansin," natatawang sabi ni Taki.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya at tinignan sya ng makahuluguhan. "Hoy, hindi kaya!"
"Guilty ka?" Tanong ko at sinamaan nya ako ng tingin "Sabi ko nga hindi, eh"
![](https://img.wattpad.com/cover/233086047-288-k613070.jpg)
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fiksi Penggemar"I'm always here for you...until the end"