AILEE
"Anong gingawa mo dyan? Sina Geonu nasaan?" Tanong ko nang mapansin kong nag iisa si Sunoo sa upuan.
"Si Geonu nandoon sa may mga pagkain. Kambal nya ang mga pagkain diba?" Sunoo. Napatango-tango naman ako at umupo sa tabi nya.
Napansin ko na hindi sya mapakali kaya nagtanong na lang ako.
"Okay ka lang ba?"
Tumango lang naman sya.
"Halika," hinawakan ko ang kamay nya at umalis kami dito sa garden nina Jungwon kung saan ginagawa yung event na hindi malaman.
May park dito. Park na kung saan kami nagkita noon ni Jungwon. Madilim na pero may ilaw naman.
Pagdating namin sa park ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ba kasi hindi ako nagplano muna? Padalos-dalos pa.
"Hindi ka ba hahanapin ng mommy mo?" tanong nya at napatingin ako sakanya.
"Hindi yan," ang sabi ko.
Tumalikod ako sakanya at humugot ng sobrang lalim na hinga.
Chill lang, Ailee. Chill.
Lumingon ako at tinignan syang muli.
"May sasabihin ako," sabay naming sabi.
"Sige, ikaw muna," ang sabi ko.
"Hindi, ikaw muna," Sunoo.
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Hayran Kurgu"I'm always here for you...until the end"
