72

301 12 1
                                        

AILEE

"Jungwon! Yang Jungwon!"

Tawag ko sa kanya nang makita ko syang napadaan sa bahay namin. Nandito kasi ako sa garden namin pero parang bingi naman ata si Jungwon.

Hinabol ko si Jungwon at hinawakan yung braso nya.

"Bingi ka ba?" Tanong ko. Tinuro nya naman yung airpod nya. "Edi sorry"

"Bakit?" Tanong nya.

"May sasabihin ako," ang sabi ko at napakunot-noo naman sya at napatingin sa relo nya. "May pupuntahan ka ba? Next time na lang pala."

Napatango sya at napatingin sakin "Samahan mo na lang ako at itetext ko na lang si tita,"

NANDITO kami ngayon sa mall. Buti na lang pala maayos-ayos ang suot ko kundi edi para akong naligaw na bata dito.

"May hinihintay ka ba?" tanong ko "Sino?"

"Ang dami mong tanong," Jungwon.

"Parang dalawa lang yung tanong ko, eh," bulong ko.

Maya-maya may babaeng lumapit samin. Sino naman 'to? Ayon sa observation ko parang kasing edaran lang namin sya at maganda sya, okay. Pero mas maganda ako.

"Yan na yung mandu mo na natapon ko nung nabangga kita." May binigay syang paper bag.

"Para naman kasing napakabig deal nyan, mandu lang naman," bulong nya at umirap sya.

Siguro ako lang naman ang nakarinig sakanya at bingi 'tong kasama ko. Napatingin sakin yung babae kaya napangiti na lang ako.

"Hi! Boyfriend mo yan?" Tinuro nya si Jungwon "Buti nakatiis ka dyan. Sige, bye na" Si ate girl. Umalis na sya.

"Sino yon?" Tanong ko.

"It's none of your business," sabi nya at iniwan ako.

Sinama-sama ako tapos iiwan ako? Wow! Attitude ka rin?

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now