102

621 24 3
                                    

AILEE

"Ahm, Sunoo,"

Tawag ko sakanya. Nasa likod kami nina Sunghoon ngayon at si Sunoo ang kasabay ko maglakad.

"One year na pala simula nung pagiging magkaibigan natin 'no," ang sabi nya. Napatango naman ako.

"Unexpected nga, eh. Yung birthday ko noon tapos yung group activity natin hanggang sa ayon na nga," ang sabi ko.

Nakakahiya banggitin yung ligaw wala nahihiya lang ako.

"May hinihintay na nga lang ako,eh" napatingin ako kay Sunoo. "Ang sagutin mo ko,"

Tumingin sya sa mga mata ko hanggang sa maramdaman ko na nag iinit na yung pisngi ko kaya umiwas ako.

"Hindi naman sa ano na sagutin mo ko agad ha. Mamaya kasi isipin mo na nagmamadali ako," dagdag nya.

"Pero paano kung sasagutin kita ngayon?" tanong ko pero di ako tumitingin sakanya.

"Ayos lang na---sandali, anong sabi mo?" tanong nya at napahinto sya sa paglalakad kaya napahinto rin ako.

"Ewan ko sayo, bawal na ulitin," ang sabi ko at nagkibit-balikat.

"Paano kung sasagutin mo ko ngayon?" ang sabi nya hanggang sa mawala na yung mata nya dahil sa ngiti nya. "So, ang ibig sabihin?"

"Tinanong ko lang naman, wala akong sinabi na sasagutin kita ngayon,"

Napansin ko na napasimangot sya. Inaasar ko lang naman sya, eh. "Just kidding, sige na nga. Tayo na!"

"Hoy! Anong tayo na?!"

Napatingin naman ako na nakaupo sa gilid ng kalasada. Amputa parang mga tambau!

"Kayo na?!" Gulat na sabi ni Kyungmin at nagtatatalon.

Mukhang sya pa nga ata yung masaya, eh. Hindi naman sya yung sinagot ko. Pagharap ko kay Sunoo, hinanap ko sya dahil wala na sya sa tabi ko.

Ayon pala nagtatatakbo na kasama sina Daniel at Kyungmin. Napailing na lang ako dahil sa nakikita ko.

"Kami na! Kami na! Kami na! Kami na!" Sunoo.

Wala naman akong pagsisisihan na sinagot ko sya. Dahil simula pa lang sigurado na ako sakanya.

We will be happy together, until the end. We will cry together, until the end. We will be strong, until the end. We will be there for each other, until the end and i'm sure about that.

I love you my Sunoo!

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now