26

348 24 1
                                    

AILEE

Kumakain ako ng breakfast ngayon, hindi nga dapat ako kakain, eh. Kaso gusto ko makita ang itsura ni Sunghoon sa inis.

Ewan ko ba kung naiinis yun dahil hindi ko naman sya nakikitang nagkakaganon.

Kumuha ako ng isang pancake at nilagay yun sa plato ko at saka hiniwa-hiwa. Hanggang sa bumaba si Sunghoon galing kwarto nya, napangiti na lang tuloy ako ng palihim.

"Bye!" Paalam ko at lumabas na ng bahay.

Hindi na ako sumasabay sa kanila baka mabaliw lang ako at sanay naman na ako. Ilang taon na rin naman simula nung nag commute ako, eh.

It's more fun pa nga na mag commute not until may holdapan na maganap.

"Yah!"

Napalingon ako sa likod ko at hindi na ako nagulat. Gusto kong matawa dahil nakasimangot sya pero mabait ako, eh.

Sa ginawa ko kagabi mabait pa ba ako sa lagay na yon?

"Ikaw yun, noh?" Tanong ni Sunghoon at sinamaan pa ako ng tingin.

"Edi kung ako nga? Anong gagawin mo?" Tinaasan ko pa sya ng kilay. "Nagsumbong-sumbong ka tapos sasamaan mo ako ng tingin? Gusto mo dukitin ko yang mata mo?"

"Bakit? Totoo naman, eh! Kasama mo yung boyfriend mo!" Sunghoon.

Tumataas ang dugo ko sa lokong 'to, ah. Pag di ito tumahimik, ako mismo ang magpapatahimik dito.

"Gago! Hindi ko boyfriend si Sunoo!" Sigaw ko sa kanya at iniwan ko sya.

Magkakalat na nga lang ng balita, fake news pa. Siraulo!

Pagkasakay ko ng jeep bigla kong naalala yung mukha ni Sunghoon nang minura ko sya.

Gulat na gulat, eh. Akala ko nga hindi na yun magugulat dahil sa ugali kong pinapakita ko sa kanila.

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now