SUNOO
Pagkatapos ng graduation namin ay hindi muna kami agad na lumabas ng venue pero si Ailee, hindi ko na makita.
Nagsama-sama kami at nagpicture para daw memories.
May outing pa naman kaming plano kaya paniguradong magkikita pa kami!
Sabi ni mama at papa ay kakain daw muna kami. Kaya pumunta kami sa pinakasikat na restaurant dito na may nagseserve na masarap na steak.
Pagpasok namin ay may nakita akong pamilyar na mukha. Si Jungwon 'yon!
Lalapitan ko sana sya kaso lumapit sakanya yung babaeng pamilyar din sakin na halos kasing edad lang ni mama.
Maikli ang buhok nya at medyo matangkad pa ng kaunti si Jungwon sa kanya. Nakakatakot talaga ang aura nya! Mas nakakatakot pa sa nakakatakot! Ang Mommy ni Ailee!
Nang makaupo ako sa upuan namin ay sinundan ko sila ng tingin. Nagbabakasakali lang na makita ko si Ailee.
At tama nga ako, kasama nila.
Nakita ko ulit ang Ailee na hindi ko na muling nakita nung magkakasama kami.
Ang Ailee na nakasimangot.
Dumating na ang pagkain namin pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Kumakain sya na parang labag sa loob nyang kainin yung pagkain nya.
Si Sunghoon hyung ay nandoon din at katabi ni Ailee. Sa katabila naman, katabi nya si Jungwon. Parang gusto kong maging si Jungwon kahit sandali lang.
Hindi ko na nga pinapakinggan sina mama at papa sa usapan nila, eh.
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fanfiction"I'm always here for you...until the end"
