21

396 25 0
                                    

SUNOO

Recess na meaning rest time na ulit kahit sandali lang. Napaunat pa ako dahil ang sakit na ng likod ko kakatulog dito.

Nakakapagod matulog.

Napatigil ako sa paguunat ng katawan ko nang makita ko si Ailee na lumabas ng classroom.

"Iba talaga 'yon. Di nagsasabi kung saan pupunta," sabi ko sa sarili ko at napahikab ako.

"Bakit? May kayo ba para magsabi sayo?"

Napalingon naman ako sa likod ko kung saan katabi ni Jungwon si Kyungmin.

"Wala pero magkaibigan kami," ang sabi ko at pinanliitan sya ng tingin.

"Sus, edi sundan mo na lang. Sa library ha, alam ko naman na alam mo kung saan sya namamalagi pag wala sya dito sa classroom, eh." Kyungmin.

Napailing na lang ako nang lumabas ako ng classroom.

Sa second floor pa yung library kaya tinatamad akong maglakad. Kung pwede lang gumapang, ginawa ko na eh.

Pagdating ko sa labas ng library nakita ko agad si Mrs. Pangilinan dahil glass door naman 'to kita ko na may ginagawa ang librarian namin.

Huminga ako ng malalim at naglakas loob na buksan yung pinto at pumasok.

Sakto namang nakita ko si Ailee na nagbabasa. As expected.

Nag log-in ako sa logbook at lumapit ako kay Ailee. Tahimik syang nagbabasa.

Syempre, alangan nagpaparty party sya dito habang nagbabasa? Bobo mo Kim Sunoo.

Hindi nya pa ako napapansin

"Sabi na nga ba at dito lang kita makikita, eh." Hinila ko ang upuan na na sa harapan nya.

Dahan-dahan naman syang napatingin sakin.

"Sunoo?"

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya at sinarado yung libro na binabasa nya.

Goodbye? Yon ang title ng libro na binabasa nya.

"Wala lang, magbabasa siguro." Napatawa sya ng mahina dahil sa sinabi ko.

"Ikaw? Magbabasa?" Di makapaniwala nyang tanong. "Basahin mo muna yung mga kuwento don sa English book natin."

"Grabe ka ha!"

"Mr. Kim!" Agad naman akong napapeace sign may Mrs. Pangilinan.

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now