SUNOO
"YUNG BARKO BAKA LUMUBOG!"
Sigaw ni Kyungmin pagpasok namin ng classroom. Napakunot-noo naman kami ni Ailee.
Wala namang barko at wala namang tubig.
"Asan yung barko?" Tanong ko kay Kyungmin nang makaupo ako sa upuan ko.
"Nasa harapan ni Jungwon at nasa tabi ni Jimin."
Ako yung na sa harapan ni Jungwon. Napatingin naman ako sa tabi ni Jimin, si Ailee.
"Alam mo napaka siraulo mo!" Binatukan ko sya kaya napaaray naman sya.
"Sus! Halata naman kasi Sunoo, eh" Napatingin ako kay Jaeho hyung at sinamaan sya ng tingin.
"Anong halata?" Tanong ko kahit alam ko naman kung tungkol saan yung sinasabi nya.
"Na may gusto ka kay Ailee. Nag-usap lang may gusto ka na agad, instant, ah. Parang dati lang nirereklamo mo pa samin yung si Ailee dahil ang sungit-sungit." Ang dami nang sinabi ni Sungchul.
"Banyo lang," sabi ni Jungwon at lumabas na nang classroom.
"I-hot seat natin yon mamaya pagbalik non," sabi ni Kyungmin. Tumango na lang kaming dalawa ni Sungchul.
"Ayon, bumalik na si pareng Jungwon!" Kyungmin. Napakunot-noo naman si Jungwom pagkaupo nya.
"Hindi naman ako nawala ng matagal, ah" sabi ni Jungwon.
"Oo nga pero kahapon nawala ka ng matagal," sabi naman ni Sungchul.
"Bakit ka nga ba wala kahapon?" Tanong ko. Bago talaga kasi yun, eh. Bagong-bago. " Tapos di ka rin nagparamdam sa groupchat kahapon.
"Tama tama." Kyungmin.
"Tapos ang cute ko," sabi ko.
"Ay, mali yon." Kyungmin.
Nagbabakasakali lang naman ako na tama rin sagot ni Kyungmin, eh. Kaso wala, bahala sya.
"So, bakit nga?" Tanong ko at pinatong yung kamay ko sa sandalan ng upuan ko at pinatong yung baba ko.
"Family reunion?" Di nya siguradong sabi.
"24 hours na family reunion?" tanong ni Sungchul.
"Parang ganun na nga." Jungwon.
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fanfiction"I'm always here for you...until the end"
