24

379 26 3
                                        

AILEE

"Uuwi ka na?"

Tanong ni Sunoo pagkalabas ko ng classroom na nakasunod sakin. Tumango lang ako at tinignan sina Hessung na naglalaro ng basketball sa quadrangle.

"Tara!" Nagulat ako sa paghawak nya sakin sa kamay ko at bigla akong hinila palabas ng school.

Dinala nya ako sa nagtitinda ng mga street foods na nasa tapat lang din ng school namin.

"Hi ate kuya!" Bati nya sa nagtitinda. As far as I know, mag-asawa sila at limang taon na silang nagtitinda dito.

"Hi rin Sunoo!" Masayang bati ni ate.

"Girlfriend mo?" Tanong ni kuya at tinuro ako. Ramdam ko naman na biglang uminit yung pisngi ko dahil sa tanong ni kuya.

Oh my god!

"Kuya, hindi po!" Depensa ni Sunoo sa sarili.

Natawa naman ako sa kanya dahil ang cute nya.

"Binata na si Kim Sunoo," natatawang sabi ni ate.

"Ate, hindi!" Sunoo.

Kumuha na lang sya ng dalawang stick ng kikiam at fishball.

Binigay nya yung isang stick ng kikiam at fishball. Tinignan ko yung ginawa nya yung sa kanya. Nilagyan nya yung baso nya ng sweet sauce.

Ginaya ko ang ginawa nya at nilagyan ng vinegar yung sakin.

Napatingin ako kay Sunoo nang mapatingin sya sakin. "Sweet sauce tapos vinegar, pinagsama mo?"

"Why? Pwede naman yun, ah" Ang sabi ko at kumain.

Natutunan ko lang naman 'to sa dati kong kaibigan na si Lena, eh.

"Masarap?" Tanong nya at tumango ako.

Pinapanood nya lang ako habang kumakain. Sa huli, ginaya nya ako kaya napangiti na lang ako sa ginawa nya.

"Bukas ulit, ate at kuya!" Kumaway-kaway si Sunoo sa kanila at ganun din ako.

"Uwi agad ha!" Natatawang sabi ni Kuya. Napailing na lang kami sa sinabi ni kuya.

"Salamat, ingat ka ha!" Paalam ko kay Sunoo bago kami maghiwalay.

"Ingat ka rin! Papakasalan pa kita!" Natatawang sabi ni Sunoo.

Umiling-iling na lang ako sa kalokohan ni Sunoo.

Yah Jinjja, Kim Sunoo.

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now