AILEE
Pagpasok ko ng kwarto ay dumeretso ako sa cabinet ko kung nasaan ang mga damit ko.
That's it! Sasama ako kay daddy. Ayoko na dito!
"Ailee,"
Napatingin ako sa pinto at si Sunghoon yun. Lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko.
"Pipigilan mo rin ba ako na sumama kay daddy?" tanong ko habang inaayos ko ang mga gamit ko.
"Bakit kita pipigilan? Eh, yan ang gusto mo diba?" Sabi nya at tumango ako.
"Anong nangyayari sa baba?" tanong ko saka sinara ko ang bag ko.
"Ayun hindi pa rin tumitigil mommy mo, ang sakit nga sa tenga eh." hinawakan nya ang tenga nya at umaktong nasasaktan. "Amin na,"
Binigay ko sakanya ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Nang pagbaba namin sa hagdan ay nasaamin yung atensyon nila.
"Sasama ako kay daddy," ang sabi ko at kinuha ang bag ko kay Sunghoon "Thank you,"
Lalabas na sana ako ng bahay nang may maalala ako. "And that thing, cancel that,"
Saka ako lumabas ng bahay at hinintay si daddy. Nang maramdaman ko na nasa likod ko na si papa, yumakap ako sakanya.
"I miss you, dad. Akala ko wala ka ng gagawin."
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fanfiction"I'm always here for you...until the end"