09

470 32 15
                                        

AILEE

Sa totoo lang, pakiramdam ko ay mahohotseat ako dito sa harap ng pagkain, eh.

Tahimik. Well, ganun naman talaga lagi dito. Laging tahimik.

"Is he just your classmate?" Kunot-noo akong napatingin kay Mommy. Diniinan nya pa ang pagkakasabi ng just.


At sino naman ang tinutukoy nya?

"Yung humawak sa noo mo,"

Ah. Si Sunoo.

"Why?" I asked.

"I'm reminding you." Tumigil ako sa pag kain at tumayo na.

Bago ako umakyat sa kwarto ay tumingin muna ako sa kanila.

"I know."

Kaya nga wala akong kaibigan dito ni isa, eh. Laging may nakabantay.

I just want to live with daddy.

I can't sleep. Nakatingin lang ako sa kisame habang nakahiga.

Tumayo ako at naisipan ko na lang na tapusin yung activity slash project namin.

Nang matapos ko iyon ay sakto naman ako dinalaw ng antok.

"Tinapos ko na kagabi yung bahay," ang sabi ko habang kumakain ng lunch ko.

Nandito naman sila sa classroom, eh. Nakapaligid sakin except for Geonu na bibili lang daw ng pagkain nya.

Lahat na ata binili dahil sa tagal.

"Weh?" Jake.

"Eh, sabi mo itutuloy na lang mamaya." Jay.

"Hindi ako makatulog kagabi kaya I don't have any choice," explain ko.

"Pwede naman akong maging choice mo," biglang sabi ni Sunoo. Napairap na lang ako.

Kailan pa 'to bumanat?

"Ayos na 'yon. Atleast wala na tayong gagawin." Taki.

"Hashtag safe, hashtag dumbell." Sunoo.

Napatingin naman kaming lahat nang bumukas yung pinto. Si Geonu na may dalang dalawang plastik?

"Ano yan?" Tanong ni Jungwon na nandito rin.

Agad na pinakita ni Geonu yung dala nya.

"Ah, pagkain," sabay na sabi nilang lahat.

Pagkain nga. Mga junk foods.

"Hindi na tayo makakapunta sa bahay nina Ailee," ang sabi ni Sunoo kay Geonu.

Yung kaninang tuwang-tuwang mukha ni Geonu ay napalitan ng lungkot.

"Edi wala na tayong Macarons?"

Anak ng Chekwa nga naman.

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now