AILEE
"Baka iba na ang pangalan ng daddy mo,"
Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Sunoo. Imposible! That one is very very impossible!
"Imposible yon!"
"Chill,"
Nilabas nya ang laptop nya sa bag nga at binuksan iyon. Napakunot-noo naman akong nakatingin sakanya.
Anong gagawin nya?
Magsesearch, tanga ka girl?
Tumabi sya sakin at hinarap ang laptop sa pwesto namin.
"My business ba yung daddy mo? Baka doon pwede natin sya mahanap." Ang sabi nya habang nakatingin sa laptop.
Oo nga 'no! Bakit hindi ko naisip yon? Nabobo na ba ako?
"Meron?" Hindi ako sigurado.
Noong bata ako, bukam-bibig ni daddy yon pero hindi naman ako naiirita, nag eenjoy nga ako marinig yung mga pangarap ni daddy, eh.
"Anong pangalan?" Tanong nya.
Napaisip ako. Ano nga ba?
"Parkinson Cuisine?" di ko siguradong sabi.
Hindi ko alam kung ayon yung sinabi ni daddy sakin dahil matagal na yon at medyo hindi ko na maalala.
Nagtipa sya sa laptop at may lumabas naman. Habang timitignan nya isa-isa ang mga lumabas.
Napatingin naman ako sakanya. Focus na focus pa sya kaysa sakin. Ang ganda ng ilong nya at ang puti nya.
Ano bang sabon ang gamit neto?
Pag ngumingiti sya nawawala yung mga mata nya. Mas gusto ko pa nga ata syang makitang ngumiti araw-araw eh.

YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fanfiction"I'm always here for you...until the end"