34

341 17 0
                                    

AILEE

"Pag graduate natin gusto ko may outing, ha?" Ang sabi ni Taeyong.

Nandito kami ngayon sa canteen, panibagong lugar na sinakop. Nandito rin sina Sunghoon, nakikichismis.

"Pag may outing?" Geonu.

"May pagkain." Sabay-sabay naming sabi.

Automatic na yon 'no.

"Syempre, kasama kami dyan!" Ang sabi naman ni Sunghoon.

Automatic na rin yon, gagamitin ko sya para ligtas ako.

"Oo, ah. Para makasama si Ailee." Tumango-tango naman ako sa sinabi ni Sunoo.

"Ay sus ginoo," napailing-iling na lang si Jay pero binalewala ko na lang yon.

"Lena babe, sasama ka naman diba?" tanong ni Sunghoon at umakbay sya kay Lena.

Napatingin naman silang lahat kay Sunghoon na hinding-hindi makapaniwala sa sinabi nya at ako naman itong umaktong nasusuka.

"Kasuka ang gago," sabi ko.

"Hoy! Nagmura ka na naman!" Sinamaan ako ng tingin ni Sunghoon at binelatan ko lang sya.

"Away pa tayo, sira!" Tumayo ako at pinagkukuha yung mga basura nila.

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now