14

426 32 4
                                    

AILEE

"Dapat pinarentahan nyo na lang itong mall," natatawang sabi ko.

Sa dami namin dapat nga na nirentahan na lang talaga nila. Pinagtitinginan nga kami ng ibang tao, eh.

Muntikan pa nga kaming di papasukin kanina ng guard dito sa mall, buti na lang may paraan kami.

"Dapat si Jake at Jay, millionares kayo, eh" ang sabi naman ni Geonu at kinain yung carbonara nya.

Oo nga pala, galing australia si Jake. Si Jay naman, ewan, outdated ako.

"Magulang lang namin yun." Umirap si Jay.

Attitude.

"May tama ka, bro!" sabi naman ni Jake at nag apir pa sila.

"Next time rentahan na namin 'to," sabi naman ni Sunoo na nasa harapan ko.

"May pera ka?" tanong ni Niki.

"Mangungurakot muna ako sainyo," biro ni Sunoo.

Right, masaya nga silang kasama. It's too late na nga lang na na makasama ko sila.

Sabi nga nila kung kailan nagiging masaya ka na, huli na ang lahat.

Huli na nga ba talaga ang lahat? Sana hindi pa.

Nagpaalam muna ako sa kanila sandali na pupunta muna ako ng restroom. Sakto naman na tumawag si Sunghoon.

[Buhay ka pa ba?]

Napairap na lang ako.

"Do you think sasagutin ko 'to kung hindi na ako buhay?" sarcastic na tanong ko.

[Hanap ka na ni Mommy.]

"Agad-agad? Eh, hindi pa nga lumulubog ang araw, eh."

[Umuwi ka na lang,]

"Bahala kayo, basta I will spend this day with my friends,"

[May kaibigan ka pala?]

Sakto naman na nakita ko yung hand dryer na nasa tabi ng sink at nilagay ko yung phone ko.

"Buti nga sayo!"

Lumabas ako ng restroom na hindi mukhang stress kay Sunghoon

Namumuro na talaga sakin 'yon. Kahit gwapo pa sya sa mata ng iba, para sakin hindi!

"Mukhang bad trip ka, ah" Niki.

Mygad! Mukha ba talaga akong badtrip ngayon?

"Mukhang bad trip lang pero hindi naman talaga," i lied.

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now